Ayun lamang para sa araw na ito. Maari na kayong mag-tanghalian (kumain). Paalam!
Sa pagbibigay aralin ng Doktor sa mga baguhang "surgeons", biglaang sumakit ang ulo nito sa mahabang diskusyon nila ukol sa kanilang kasalukuyang paksang layunin.
Bakit ganun? Sumasakit ang aking ulo. Ako'y medyo nahihilo.
Sumasakit talaga ang ulo ko! Siguro gawa ito ng gutom, ngayong naalala ko na tanging kape lang ang inilaman ko sa aking sikmura kaninang umaga. Nakakahiya naman kung malalaman ng ibang tao, naturingang Doktor pa naman ako subalit pinagwawalang bahala ko ang aking kalusugan.
Sa pangkasalukuyang sitwasyon at kalagayan na mayroon ang Doktor, sa gutom nito, napatakbo at napadali ang lakad niya sa Kantina na nasa kabilang (lumang) building. Marahil malayo-layo pa naman ito.
Sa pagpapatuloy...
Sa pagmamadali ng Doktor papunta sa lumang building kung saan matatagpuan ang Kantina, tuluyan niyang nakita/nakasalubong ang mga kasamahan at nangamusta ng mabilis.
Uy! Troy, Sheena, Adeleigne at Lee! Kamusta na kayo? Kakatapos ko lang sa pagtuturo kanina, manananghalian muna ako sa Kantina dahil gutom na gutom na ako. Balikan ko kayo mamaya!
Makalipas ang ilang minuto...
Salamat at ako'y nakarating din. (*medyo pagod na boses/tono)
Sa mahabang paglalakad ng Doktor sa wakas ay nakarating na rin siya sa lugar ng lumang building o ang tinatawag nating Kantina upang kumain ng tanghalian.
Sa sobrang gutom ko, kahit ano siguro ay kakainin ko na.
Ngayong nakapasok na sa Kantina ang Doktor para kumain, ito'y tuwang-tuwa dahil hindi na siya malilipasan pa ng gutom muli. (*kung yun lamang sana ang nangyari)
Ang pagtatapos...
Nang tingnan ng Doktor ang mga pagkaing nakahain, ay biglaang nanlumo siya sa mga ito nang makita ang mga lutong pagkaing - dinuguan, sisig at bulalo! Tila lalong lumakas raw ang pagpintig sa sentido ng kanyang nasumpungan. Sa pagmamadali niyang makalabas ng pinto ay hindi na nito inalam kung ano ang iba pang nakahaing pagkain. Magmula nga noon ay naging aral na sa Doktor na ang kumain/pagkain nang sapat at masustansyang almusal bago pumasok sa trabaho ay mahalaga.
Sukurta daugiau nei 30 milijonų siužetinių lentelių