Oh anak ayan na pala ang Lolo mo. Magmano ka anak.
Magandang araw po Lolo, mano po ako.
Aba, napakabait na bata naman. Ka-awaan ka ng Diyos. Tara na at mananghalian sa loob
Apo, ano bang gusto mong pagkain para mailuto natin para sa iyo?
Adobo at Halo-Halo po sana kasi masarap po iyon!
Aba maganda yan anak! Tangkilikin ang sariling atin sapagkat ito ang magbibigay kulay sa ating kultura.
Oo nga pala, Lee, apo! Gusto mo ba sumama sa gagawing bayanihan mamaya para sa mga nasalanta ng bagyo? Naipagpaalam naman na kita sa iyong ama at pumayag naman siya kanina. Ayun ay kung gusto mo sumama.
Lolo, ano po yung "Bayanihan"?
Anak, ang Bayanihan ay isang kaugalin ng mga filipino na nagpapakita ng pagtutulungan, pagkakaisa at pagdadamayan. Tulad ng sinabi ng Lolo mo tutulungan niyo ang mga nasalanta ng bagyo.
Oh sige apo, kumain ka muna at baka lumamig na ang iyong pagkain. Pagkatapos niyan ay pupunta na tayo sa barangay para tumulong.
Sige po Lolo, tara po! Gusto ko pong sumama at makatulong sa mga nasalanta ng bagyo.
Apo handa ka na ba magmalasakit sa kapwa mo Filipino. At ipakita na ang dugong pinoy ang siyang namamayagpag sa mundo?
Opo Lolo, handang-handa na po!
Sukurta daugiau nei 30 milijonų siužetinių lentelių