JACKSON: Wow! Aquaman pala.ANITA: Panaginip ko Jayson minsan, sa isla siya, dami tao,masaya. Doon asawa niya, may anak na . . . apo kokita ko, lalaki, babae.JACKSON: Ganun? Anong isla kaya ’yon? Baka na-abduct ngalien?ANITA: Ano?JACKSON: Wala ho. Ah, siya nga pala balita ko nga noon namayroon daw kayong . . . kakaibang talino?ANITA: Ano talino? Hindi ako kanta, hindi sayaw, matanda napara sa Talentado Pinoy ah. Talantado na lang tayopaleho.JACKSON: Kayo talaga . . . komedyante siguro kayo noon? Angsabi nila, nakakausap daw ninyo ang mga . . . yumao?ANITA: Sino sabi iyan? Loko lang ikaw.
JACKSON: Biro nga ni Tony noon, magtatayo na lang daw siyang templo para sa inyo at pihado mas malakas pa kita kaysa sa hardware.ANITA: Sabi si Tony?JACKSON: Oo.ANITA: Eh di siya tanong mo . . . O, tanong mo na (tinutukoyang altar.) . . . Kayo usap. Wala ako alam diyan.JACKSON: Sinasaniban daw kayo ng espiritu ng sinaunangbayaning babae ng Tsina?ANITA: Sino sabi iyan?! Loko-loko . . . wala ganyan. Di totoo.JACKSON: Minsan pati daw kaluluwa ng yumao, pagpinayagan ng espiritu.ANITA: Wala ganyan. Ano sanib? Ikaw punta doon Dr. So!Dami sanib, pati iba planeta tao . . .JACKSON: Di niyo naitatanong, nawalan rin ako ng asawakamakailan.ANITA: Toto?
JACKSON: Si Elena, biglang inatake sa puso, wala namansiyang dating sakit sa puso, basta na lang . . . isangaraw. Ni hindi kami nakapag-usap. Ang dami konggustong sabihin sa kanya . . . para niyo nang awa,Aling Anita, kung may kakayahan kayo . . .ANITA: Ikaw punta dito singil sa buwis, gusto pa usap saespiritu, ano ba talaga trabaho ikaw? BIR o yung spiritquester ha?JACKSON: Please lang . . . may pinagsamahan din tayo.ANITA: Ano sama? Taon-taon kami bigay sa iyo JACKSON: Noong naningil si Peralta ng back taxes . . ANITA: Sobra ’yon ha . . .JACKSON: Sino ang namagitan? Noong nadawit si Tony sakaso ng smuggling . . .ANITA: Hindi siya sama doon ha!JACKSON: Alam ko, pero dinadawit pa rin siya. Sino angkumausap sa NBI? (Titingnan siya ni Anita, tatangosiya.) Noong pinadedeport yung kamaganak ninyo.
ANITA: Si Xiu Hua . . . Pinsan ko. Tago siya dito, hanap siyamga kaaway sa Tsina, gusto siya patay.JACKSON: Sino ang nakipag-areglo sa Immigration?(Titingnan si Anita, ituturo ang sarili.) Hindinaikwento sa iyo ni Tony? Hindi ako naging mabutingkaibigan? Pera-pera lang ba?ANITA: (Nagsususpetsa.) Malaki ikaw kita ha . . .JACKSON: Tumulong pa rin ako! Tulungan mo ako.ANITA: Ako . . . matagal na hindi gawa ganyan, mahirap.Matanda na.JACKSON: Kahit saglit lang, Aling Anita, gusto ko langmarinig tinig niya.ANITA: Ano tinig niya? Tinig akin . . .JACKSON: Kahit na, malalaman ko kung siya nga.ANITA: Baka hindi mo gusto sabi niya
JACKSON: Kahit na, handa ako kung anuman.ANITA: O ikaw tanong si Tony (Tutukuyin ang altar.) kungpayag . . .JACKSON: Ha? Papaano?ANITA: Sabi siya nun huwag na ako gawa ganyan hindimaganda sa sarili buhay. Noon nawala Jayson . . .JACKSON: AH, sorry. Di ko alam
ANITA: (Sa Chino.) Ah Pao, you better show some spiritualpotency, this government ghost not only wants taxmoney he even wants to talk to dead people, youbetter chase him away soon. (Ah Pao di a tie kha diengiya leh. Ji Jiya jieng hu kui, um na be teh seh, a bechiu sin. Di a tie kay kwa kwa ki lo.)
JACKSON: (Nagsususpetsa.) Tinataboy niyo ba ako?Mestisang Chinese ’yung nanay ko, may naaalala paakong kaunting salita mula sa pagkab
(Sisindihan ni Anita ang joss stick, yuyukod sa altar.)
Sukurta daugiau nei 30 milijonų siužetinių lentelių