magandang umaga ma'ammagandang umaga mga kaklase.Ito po yung report ko.
ngayon ! ito po ang aking sariling buod tungkol sa kwentong " ROMEO at JULIET "
" ROMEO at JULIET "Habang nagaganap ang kasiyahan sa bulwagan at habang si Juliet ay nakikipagsayawan ay nakita siya ni Romeo mula sa hanay ng mga kababaihan. Nabihag ng angking kagandahan ni Juliet ang puso ni Romeo.
Si Romeo naman ay hindi napigilan ang sarili at nilapitan si Juliet at hinagkan ang kamay nito at mula noon ay palihim na nagpupunta na si Romeo sa tahanan ng mga Capulet para makita ang sinisintang dalaga na nabighani at napaibig na rin si Juliet sa taglay na katangian ng binata. Nagpasya ang magkasintahan na magpakasal sa kabila ng pagkakaalit ng kani-kanilang pamilya.
Ipinagkasundo ng mga magulang si Juliet na magpakasal at makaangasawa ng ibang lalaki dahil sa ganitong kadahilanan naisipan ni Juliet na magkunwaring patay para makatakas sa kanyang pamilya subalit ito ay hindi nakarating sa kaalaman ni Romeo na dahil sa labis na kalungkutan sa inaakalang kamatayan ng kanyang minamahal ay kinausap niya ang isang butikaryo para sa isang lason na kikitil din sa kanyang buhay. Kaya naman sa muling pagmulat ng mata ni Juliet at nakita ang walang buhay na si Romeo ay kinuha ang isang balaraw at tinarak sa kanyang dibdib at tuluyan na ring binawian ng buhay.
At iyan lang po maraming salamat!
Sukurta daugiau nei 30 milijonų siužetinių lentelių