Maganda ang dagat at ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong luntian kapag walang sigwa, Ang tubig sa wawa ay napapaligiran ng mga kawayang sumasayaw-sayaw na tila umiindak kapag nahihipan ng hangin.
Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matitibay na kahoy na nakuha sa aming gubat. Ito may dalawang katig na gawa sa kawayan upang hindi gumewang kapaag ito ay nakatigil.
Naalala ko pa noon, kasalukuyan kaming nakasakay sa bangka nang humilagpos ang isa kong tsinelas. Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin.
Tinignan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinealas at dali-daling tinapon sa dagat. "Bakit mo tinapon ang iyong isa pang tsinelas?" tanong saakin.
Isang tsinelas ang nawala saakin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin ay wala na ring silbi. Kung sino man ang makakakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit nya ito.
Napatingin ulit saakin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang katulad ko.
Sukurta daugiau nei 30 milijonų siužetinių lentelių