Ang Sirena ay magandang nilalang sa dagat na may pang-itaas na katawan ng tao na may mahaba at kulot na buhok at ang ibabang katawan ng isda. Siya ay may kaakit-akit na boses.
SIRENA
Isang gabing kabilugan ng buwan, may mga mangingisdang nanghuli ng isda. Naniniwala silang maraming isda kapag sumasapit ang ganitong panahon.
Tama ang pinili nating araw na mangisda.
Marami tayong maibebenta pag-uwi natin.
Ito rin ang pinaniniwalaan ng iba na lumalabas ang sirena upang umawit at lumalabas ang maraming isda.
Nandirito na naman kayo para ubusin ang lamang dagat!
Pare, may sirena... Hayun sa may batuhan!
Totoo nga ang sinasabi nila! Hala, paano na tayo?!
Sa Pagkakataong ito, ano kaya ang susunod na mangyayari...
Mga tao, umalis na kayo at iyan na lamang ang kuhain ninyo!
Nagalit ang sirena sa mga mangingisda at pinagsabihan silang umalis na bago pa may gawin siyang masama sa kanila.
Kami'y aalis na po agad... Salamat po.
Opo, aalis na po kami. Maawa na po kayo sa amin.
Dali-daling umalis ang dalawang mangingisda upang di na makuha ang kanilang nahuling isda at para makauwi din sila ng buhay sa kanilang pamilya.
Huwag na kayong magalala mga kaibigan ko.
Bilisan natin! Tara na, tara na!
Bumalik sa dati ang lahat. Umawit ang sirena at naging masaya na uli silang lahat.
WAKAS
Sukurta daugiau nei 30 milijonų siužetinių lentelių