Pinaniniwalaang inaalis ng mga taong nagmula sa Africa na mayroong kapangyarihan ang kanilang pakpak, sapagkat iniingatan nilang malaman ng mga tao ang tungkol dito. Ito ay kanilang inililihin sa lupain ng mga alipin
Ang tao ay nakakalipad
Habang nagtratrabaho sa palayan si Sarah ay mayroong pasang batang lalaki sa kanyang likod. Isang matapang na tagabantay ang tumitingin sa kanilang pagtatrabaho at nilalatigo ang mga mababagal kumilos, habang sakay sa isang kabayo.
Isang araw habang inaayos ni Sarah ang mga pilapil sa palyan ay biglang umiyak at nagligalig ang bata, hindi niya ito mapatigil. Nadinig ito ng matapang na tagapag bantay at parehas silang walang awang sinaktan nito.
Lumapit ang isang sugatan at pagod na matandang lalaki na nagngangalang Toby kay Sarah, at nag wika "SIge anak, ngayon na ang tamang panahon". Bigla naman siyang nagkaroon ng pakpak at lumipad kasama ang kaniyang anak.
Patuloy sa pag papalaya ng iba pang alipin si Tobi, at tinutulungan niya silang gamitin ang kanilang pakpak upang makalipad sa lupain ng mga alipin. Ang kanilang paglipad ay nasaksihan ng iba pang alipin at ng mga tagapagbantay.
Ang mga natirang mga alipin ay nagnanais na makalipad din, subalit hindi sila naturuan. Kaya naman patuloy na lamang silang nagkwento sa kanilang mga anak sa naganap na pangyayaring ito.
Sukurta daugiau nei 30 milijonų siužetinių lentelių