Kabanata 21: Kuwento ng isang InaSi Sisa ay isang larawan ng ina na sadyang mahina at marupok kapag nasa kapahamakan ang kanyang mga anak. Pinilit ng mga sundalo na isama si Sisa sa bayan upang humarap sa kura. Dito, naranasan niya ang sobra-sobrang panglalait at pang-aalipusta mula sa mapanghusgang mata ng mga taong bayan. Pakiramdam niya ay parang mamamatay na siya sa kahihiyan. Sa kanyang pag-uwi ay nakakita siya ng maliit na pilas ng damit ni Basilio na mayroong bahid ng dugo. Siya ay labis na nabahala dahil ang lugar na iyon ay malapit sa bangin. Dahil sa mga pangyayaring ito ay tuluyan nang tinakasan ng bait si Sisa at siya ay namuhay bilang isang palaboy.
Kabanata 17: Si Basilio Nakarating si Basilio sa kanilang tahanan ngunit may sugat ito sa noo. Ginagamot ito ng ina nang magsalaysay ang anak. Sinabi niyang daplis lang iyon ng bala ng guwardiya sibil. Tumakas lang siya sa kumbento upang ibalita sa ina ang bintang kay Crispin na pagnakaw. Nalaman din ni Basilio na umuwi ang kanyang sakim at batugang ama. Dahil sa galit, nasabi niyang sana ay mawala na lamang sa landas nila ang kaniyang ama upang maging mapayapa ang kanilang na ikinalungkot ni Sisa. Nakatulog si Basilio at naalimpungatan nang mapanaginipan ang kaniyang kapatid na nanghihingi ng tulong.
Sukurta daugiau nei 30 milijonų siužetinių lentelių