Veronica, alin sa mga kabihasnang tinalakay natin ang nagustuhan mo?
Nag-uusap ang magkaklaseng sina Vanessa at Veronica tungkol sa paksang napag-aralan nila sa Araling Panlipunan.
Alam mo Vanessa, marami tayong natutunan sa mga kabihasnang tinalakay natin, pero mas nagustuhan ko ang Kabihasnan sa mga Pulo ng Pasipiko.
Tama ka, Vanessa! Ang Micronesia ay nangangahulugang "maliit na isla". Binubuo ito ng libo-libong maliliit na isla. Kabilang dito ay ang Federated States of Micronesia, Nauru, Marshall Islands, at Kiribati.
Oo nga. Natutunan natin na inuri pala ng Pranses na si Jules-Sébastien-César Dumont d'U vill noong ika-19 na siglo ang mga pulo sa Pasipiko sa tatlong grupo at ito ang Micronesia, Melanesia at Polynesia.
Ang Melanesia naman ay nagmula sa mga salitang Griyego na "melas" o itim at "nesos" o isla na may populasyong karamihan ay maiitim na balat. Kabilang sa mga pulong matatagpuan dito ay ang isla ng New Guinea, Bismarck, Solomon Islands, Vanuatu, New Caledonia, at Fiji.
Ang Polynesia ay nangangahulugang "maraming isla". Ito ang pinakamalaking grupo sa tatlo. Kabilang sa mga islang matatagpuan dito ang Hawaii, Easter Island, New Zealand, Tuvalu, Samoa, Cook Islands, at Tonga.
Sukurta daugiau nei 30 milijonų siužetinių lentelių