Ang Alamat ng Bukal ng Salinas( Salinas Salt Spring )in Bambang Nueva Vizcaya
Noong unang panahon ay may isang mayamang pinuno, siya si Aklayan. Siya ay may anak na nagngangalang Yumina. Maraming humahanga kay Yumina dahil sa kanyang kagandahan.
Dahil sa marami ang nanliligaw kay Yumina naisip ng kanyang ama na si Aklayan na daanin ito sa isang paligsahan kung saan may ilalagay na kawayan sa ilalim ng kanang braso ng dalaga at dapat itong tamaan sa pamamagitan ng pana. Kung sinuman ang makapanakit sa dalaga ay parurusahan ng kamatayan.
Pinunong Aklayan, pwedi ko po bang ligawan ang inyong anak na si Yumina
Kung makakapasa ka sa aking paligsahan
Dumating ang araw ng paligsahan at nag umpisa ng panain ng mga tagahanga ang kawayan. Labis ang takot ng mga manonood ng si Indawat na ang pumana dahil halos matamaan nito ang baywang ng dalaga. Sumunod sa kanya si Gumined, sa pagmamahal niya kay Yumina ay inasinta niyang mabuti ang kawayan at tinamaan niya ito. Idineklara ni Aklayan na ang mapapangasawa ni Yumina ay si Gumined.
Kinabukasan, ay agad ng ikinasal si Gumined at Yumina. Ikinatuwa nila ito ngunit puno pa rin ng inggit si Indawat kaya nagplano siya ng masama na ikapapahamak ni Gumined.
Hindi alam ni Gumined ang planong ito kaya sumama siya kay Indawat sa ilog. Agad na tinulak ni Indawat si Gumined sa ilog at naglagay ng malaking bato kay Gumined upang palabasin na aksidente lamang ito.
Labis na kalungkutan ang naramdaman ni Yumina nang mabalitaan ito at ipinalibing niya ang labi ng kanyang asawa sa pinagdausan ng paligsahan. Araw gabi siyang umiiyak sa puntod ng kanynag asawa, hinihiling niya na sana ay kunin na rin siya. Biglang umulan ng malakas at kumidlat. Pagkatila nito, wala ng buhay si Yumina, nang kukunin na ang bangkay niya, bigla itong naglaho.Nakita na lamang ng mga tao na may bukal na sa lugar kung saan naglaho ang katawan ni Yumina.
Maalat ang tubig ng bukal kaya pinaniwalaang ito ang mga luha ni Yumina dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa. Kalaunan ay tinawag itong bukal ng Salinas.
Sukurta daugiau nei 30 milijonų siužetinių lentelių