Si Adong ay isang ulilang bata at nabubuhay na mag-isa. Upang makaraos sa buhay at may maipantustos sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay, namamalimos siya sa harap ng simbahan ng Quiapo. Mula pagsikat ng araw hanggang pagtakip silim ang panghihingi niya ng tulong sa mga naglalabas pasok sa sikat na simbahan.
Ngunit may nakaambang bangis sa kaniyang paligid dahil sa isang binatang siga na nangangalang si Bruno na palaging kinukuha nang sapilitan ang pera na kaniyang nalilimos. Gusto ni Bruno na siya lang ang makikinabang ng lahat ng pinaghirapan ni Adong.
Katulad ng mga lumipas na araw, nabatid niya na kukuhain muli ni Bruno ang kanyang pera na pambili ng kanyang pagkain. Kaya naisipan niya na magtago kay Bruno. Ngunit sa hindi kalayuan ay natatanaw na ni Aling Ebeng, katabi ni Adong sa pwesto sa tapat ng simbahan, ang sigang si Bruno.
.
Dahil dito, nagtago pa rin itong pilit ngunit hinabol pa rin siya ni Bruno hanggang sa matagpuan ito. Nang dahil sa inis ni Bruno sa pagtakbo at pagtatagong ginawa ni Adong, sapilitan nitong kinuha ang pera at pagkatapos nito makuha ang pera ay binugbog niya si Adong hanggang sa ito ay manghina.
Ilang saglit, matapos magulpi ni Bruno si Adong, idinilat niya ang kaniyang mga mata at nakita ang kaniyang sarili sa kaniyang hinaharap. Hinaharap na hindi niya inakalang kaniyang makakamit, masisilayan, at makakamtan. Sa kabila ng mga pagsubok na patuloy siyang hinahabol, nagsilbi itong rason para siya ay tumayo at harapin.
Namulat ng maaga sa realidad, nagising sa katotohanan, at ngayon isa nang pinuno ng isa sa mga pinaka mabangis na lungsod sa bansa. Si Adong ay tumutulong sa mga mahihirap at patuloy na tinutupad ang mga pangarap ng mga batang pulubi na noon ay siya ang nasa puder ng mga ito kaya naman naging matindi ang kanyang kompasiyon sa mga ito.
Sukurta daugiau nei 30 milijonų siužetinių lentelių