Noong unang panahon may kaharian na nagngangalang Berbanya na may hari na si Don Fernando at ang reyna naman ay si Dona Velariana at meron silang tatlong anak na lalaki. Ang panganay ay si Don Pedro, ang pangalawa ay si Don Diego, at ang bunso ay si Don Juan.
Isang araw nagkasakit ng malubha ang hari at nagulat ang mga mamamayan nito dahil magaling na hari si Don Fernando, walang sino man sa palasyo ang nakapagpagaling sa hari. Isang araw may salamangkero na dumating at sinabi na ang kanta lang ng Ibong Adarna ang makakapagpagaling sa hari. Ang Ibong Adarna ay nakatira sa Bundok Tabor, at nang marinig ng panganay ang sabi ng salamangkero agad itong pumunta sa bundok, pero hindi ito bumalik ng ilang buwan.
Kaya nagpasya si Don Diego na sundan ang kapatid na panganay at sa kanyang paglalakbay napagod siya at nagpahinga sa puno na nagliliwanag, dito siya nagpahinga at natulog. Ang hindi niya alam ay ito pala ang lungga ng Ibong Adarna, nang makatulog na ito dumapo na ang Ibong Adarna sa puno at ito ay kumanta at umipot at tinamaan si Don Diego ng dumi nito at siya ay naging bato.
Hindi mapigilan ni Don Juan na sundan ang kanyang mga kapatid at hanapin ang Ibong Adarna. Sa kanyang paglalakbay nakakita siya ng ketongin na matanda, ang ketonging matanda ay nanghingi ng pagkain, sa sobrang awa ni Don Juan ibinigay niya ang kanyang huling piraso ng tinapay at sinabi niya ang pakay niya at sinabi ng ketongin na matanda na may alam siyang tao na makakatulong sa kanya. Sinabi niya na hanapin ang kubo na may matandang lalaki, kaya hinanap nito ang kubo at binigyan ng matanda si Don Juan ng pitong dayap, labaha at gintong sintas at sinabi na sugatan ang sarili para hindi siya makatulog sa kanta ng Ibong Adarna at umiwas sa dumi nito.
At nang mag hating-gabi na, nagsimula nang kumanta ang Ibong Adarna at inaantok na si Don Juan pero sinugatan niya ang kanyang braso at pinatakan niya ito ng Dayap para hindi siya antukin at ng sagayon hindi siya makatulog sa pagkanta ng Ibong Adarna at hinuli niya ang ibon gamit ang gintong sintas at umuwi sa kaharian para pagalingin ang hari.
At nang nakabalik na si Don Juan sa palasyo, napagaling ng Ibong Adarna ang hari sa pamamagitan ng kanyang pagkanta at nabuhay sila ng payapa at nagsaya ang buong kaharian. WAKAS.
Sukurta daugiau nei 30 milijonų siužetinių lentelių