May isang tribo na naninirahan sa isang liblib na lugar. Namumuhay sila ng tahimik at payapa bagkus pagsenyas lamang ang tanging paraan ng komunikasyon.
Isang araw, mayroong grupo ng tao ang dumayo na nagmula sa malayong tribo.
Sila ay naalarma at hinamon ito ng labanan upang protektahan ang kanilang angkan.
Habang nag-aaway ang dalawang panig, napasigaw ang isang miyembro ng dayong pangkat. Natamaan ito kung kaya't gumagawa ito ng tunog dahil sa sakit na nararamdaman.
AGHHHH
Nabigla ang mga taong naninirahan sa liblib na lugar nang dahil sa di-pangkaraniwan na pangyayari. Napansin ito ng lider ng dayong tribo at napagtanto na walang kaalam-alam ang tribong kanilang dinayo.
Itinigil niya ang pag-aaway at lumapit sa pinuno ng kabilang pangkat. Sinubukan niyang makipag-usap gamit ang mga tunog na kanilang ginagamit subalit namangha lamang ito. Napagdesisyunan niya na turuan at ipaalam sa mga taong ito ang tunog pangkomunika.
ohhhh
ahhhh
ehhhh
Natuto ang mga taong naninirahan sa liblib na lugar at nagsimula na rin silang maglakbay upang ipalaganap sa iba't ibang tribo na hindi pa nakakaalam nito. Nang dahil dito, nagsimula ang pagkabuo ng wika.
Sukurta daugiau nei 30 milijonų siužetinių lentelių