Hala! Lunes na bukas? Simula na ng hell week. Ang dami nanamang gagawin. Kailangan ko nang malista ang mga aktibidad at lagyan ito ng dedlayn.
Sa susunod na araw,...
Sige, Class! Maaari niyong kumpletuhin ito sa inyong bahay at ibigay sa akin sa susunod na araw. May mga katanungan pa ba kayo?
Hala! Ang plano ko pa naman mamaya ay tatapusin ko na ang isang aktibidad at pagkatapos ay mag-aaral para sa pagsusulit sa matematika na mangyayari bukas. Paano na to? Ayoko pa man din mahuli sa mga pagsusumite
Tapos na ang klase! Maari na kayong umuwi.
Mabilis siyang bumalik sa kanyang bahay upang ihanda ang sarili bago niya simulan ang kanyang mga gawain sa paaralan.
Hay salamat! Natapos at nagawa ko nang maayos ang aking gawain. Ngayon, kailangan kong mag-aral pa para sa isang pagsusulit bukas at ayusin ang aking mga plano para sa mga susunod na araw.
Bukas, kailangan kong tapusin ang pagsulat ng isang sanaysay sa Ingles, gumawa ng isang presentasyon para sa Agham, at mag-aral para sa pagsusulit sa Filipino. Sa Miyerkules, ang gagawin ko ay…
....................................
Habang patuloy na nag-iisip at nagsusulat ng listahan ng mga dapat gawin, kinausap siya ng kanyang ina makalipas ang ilang oras.
Nak, matulog ka na! Anong oras na? Kailangan mo bang gumising ng maaga bukas?
....................................
Kinabukasan.
Opo, Nanay! Tatapusin ko na ang ginagawa ko at pagkatapos ay matutulog na ako.
Kailangan ko po palang gumising ng maaga bukas ng 6am para makapag-aral ako bago ang aming pagsusulit.
....................................
Makalipas ang ilang sandali.
Yay! Salamat! Natapos din ako.
MARCH
Mayroon pa kong anim na oras upang matulog bago ako bumangon at simulan ang aking araw.
Bukas, kailangan kong tapusin ang pagsulat ng isang sanaysay sa Ingles, gumawa ng isang ...
Hala! Anong oras na? Kailangan kong pumasok sa paaralan ngayong umaga. Bakit walang gumising sa akin?
Ano? Hindi mo sinabi sa akin. Akala ko ang pasok mo ay mamayang hapon pa.
Hindi! Sinabi ko sa iyo kagabi na kailangan kong gumising ng maaga ngayon dahil may pagsusulit kami.
Mabilis siyang nagbihis, kumain at naglinis ng ngipin bago dumiretso sa paaralan.
Habang papunta siya sa paaralan, nirepaso niya ang mga bagay na kailangan niyang malaman para sa darating na pagsusulit.
REVIEWER
Kahit na mabilis siyang tumakbo para makarating sa klase, huli pa rin siyang dumating para kumuha ng pagsusulit.
Babawi na lang ako sa mahabang pagsusulit at huling pagsusulit para sa semestreng ito.
Ang susunod na klase.
Mga kaklase, ang sabi ng ating guro ay may mahalaga siyang bagay na kailangan niyang asikasuhin, kaya walang klase ngayon. Tumuon na lang daw muna tayo sa pag-aaral ng araling lima para sa susunod na pagpupulong.
Hooray! Wala nang klase! Ngayon ay maaari na akong magsimulang gumawa ng iba pang mga aktibidad na kailangan ipasa sa susunod na mga araw.
Dumiretso siya sa kanyang bahay pagkatapos ng paaralan at agad siyang nagsimulang gumawa ng kanyang aktibidad.
Wow, ginawa ko talaga ang aking essay, sa loob lamang ng tatlumpung minuto! Ngayon ay magagawa ko na agad ang aking presentasyon.
Opo. Nasimulan ko na pala ang disenyo ng slideshow. Maari niyo ring baguhin at dagdagan ng impormasyon ito.
Pre, nalagay niyo na ba yung mga kailangan na impormasyon na ilalagay sa slideshow?
Wow! Maraming salamat!
Yay! Mukhang maswerte ako sa ngayon. Lumilitaw na maaari akong magsimula ng ibang gawain bago ako tumuon sa pag-aaral para sa pagsusulit namin kinabukasan.
Makalipas ang ilang oras.
Yay! Tapos ko na rin ang slideshow.
Sige po. Maraming salamat!
Okay po. Salamat!
Kamusta! Natapos ko na ang ating slideshow. Magkakaroon tayo ng pag-eensayo para sa ating presentasyon bukas pagkatapos ng huling klase.
Okay! Ang susunod kong gagawin ay mag-aral ng PE para sa pagsusulit bukas.
Habang nag-aaral siya...
Argh! Bigla akong inantok. Bukas na lang ulit ako mag-aaral. Siguro, aagahan ko na lang gumising para makapag balik-aral ako sa aralin bago ang pagsusulit.
Nang sinubukan niyang bumangon mula sa kanyang upuan, napansin niyang hindi niya ito magawa. Parang may pumipigil sa kanya sa paggalaw.
Sandali lang. Bakit ayaw? Bakit hindi ako makaalis?
Biglang tumunog ang alarm niya. Ngunit, nang tingnan niya ang kanyang telepono, patay naman ito.
Pagkatapos ay tinawag siya ng kanyang Ina. Habang papalapit siya sa pinto para masiguradong tinatawag siya, bigla siyang nakaramdam ng paghawak sa braso niya.
Nagising siya at nakita niyang hinahaplos siya ng kanyang Ina at sinabi nito...
Uy, Beh! Gising na! Akala ko ba may pagsusulit ka ngayong araw? Hindi ka ba mag-aaral muna?
MARCH
Tumingin siya sa orasan at kalendaryo, at napagtanto...
Ha?! Panaginip lang ang lahat ng iyon?
Ang wakas.
Image Attributions:1769866 (https://pixabay.com/illustrations/check-check-list-hook-little-bird-1769866/) - kropekk_pl - License: Free for Most Commercial Use / No Attribution Required / See https://pixabay.com/service/license/ for what is not allowed1293114 (https://pixabay.com/vectors/button-lamp-light-switch-switch-1293114/) - OpenClipart-Vectors - License: Free for Most Commercial Use / No Attribution Required / See https://pixabay.com/service/license/ for what is not allowed5284831 (https://pixabay.com/illustrations/sleep-sleeping-dream-zzz-i-wasn-t-5284831/) - Hazyel - License: Free for Most Commercial Use / No Attribution Required / See https://pixabay.com/service/license/ for what is not allowed
Vaizdo Rekvizitais
1293114 - OpenClipart-Vectors - (Licencija Free for Most Commercial Use / No Attribution Required / See https://pixabay.com/service/license/ for what is not allowed
)
1769866 - kropekk_pl - (Licencija Free for Most Commercial Use / No Attribution Required / See https://pixabay.com/service/license/ for what is not allowed
)
5284831 - Hazyel - (Licencija Free for Most Commercial Use / No Attribution Required / See https://pixabay.com/service/license/ for what is not allowed
)
Sukurta daugiau nei 30 milijonų siužetinių lentelių