Jia Li: Pagbati! ako ay si Jia Li. Ako ay labinlimang taong gulang at isang ABC (American Born Chinese). Ang aking magulang ay parehong Tsino, subalit ipinanganak at lumaki ako rito sa Los Angels, California
Jia Li: Paano nga ba ang buhay ng isang ABC?masasabing mapalad ako dahil nararanasan ko na ang kultura ng dalawang bansa. Mahusay ako sa wikang ingles, ito ang ginagamit ko kapag nasa labas ako o kapag kausap ko ang aking mga kaibigan at kaklase
Jia Li: Subalit kapag nasa bahay ako, higit na nangingibabaw ang kulturang Tsino sa paraan ng pagpapalaki sa aming magkakapatid. Mandarin Chinese ang salitang ginagamit ko at ang aking pamilya kapag nasa loob ng bahay.
Jia Li: Napakahalaga ng pamilya sa aming mga Tsino. Kami ay hindi basta bumubokod sa aming magulang kahit pa nga nag-asawa at may mga anak na. Pangkaraniwan na lang sa aming mga Tsino na magkakasama sa isang tirahan ang pamilya.
Jia Li: Katunayan, dito sa aming bahay nga ay kasama namin ang wai po o lola ko. Mula pa noong bata ako ay si Wai po na ang lagi kong kasama kapag nasa trabaho ang aking magulang at mga kapatid.
Jia Li: Ngayon ay may asawa na ang aking gege o nakakatandang kapatid, kasama parin namin siya sa bahay gayundin ang asawa niya at ang kanilang anak.Ang aking Jie Jie o nakatatandang kapatid na babae naman ay kasama parin namin kahit may trabaho na.
Sukurta daugiau nei 30 milijonų siužetinių lentelių