Sunod Niya tayong binigyan ng mga halaman, bulaklak, at mayayabong na puno. Sinong mag-aakalang ang mga ito'y maaaring maibigay ng Diyos sa atin?
Lumikha Siya ng iba't ibang uri ng mga hayop na pangangalagaan ang kapaligiran, at hindi sisirain kailanman.
Sunod Niyang nilikha ang tao. Sa pamamagitan Niya at ng Kanyang sarili, nilikha Niya tayo at binigyan ng pagkakataong pangalagaan ang mundo.
At sinabi ng Diyos sa kanila na ibibigay Niya ang mga magiging bunga ng mga halaman sa kanila upang may makain sila. Kaya tayo binibigyang pagpapala ng Diyos dahil mahal Niya tayo. Nakakalungkot isipin na karumihan at kapabayaan ang ibabalik niyo sa Kanya.
Matapos ang sermon ng pastor, nagbago ang pananaw ng mga tao sa kapaligiran. Nagsimula silang maglinis ng mga dumi. Unti-unting naging maaliwalas ang siyudad at nanumbalik ang pananampalataya ng karamihan sa Diyos.
Matapos lang ang ilang araw, bumalik ang pastor sa siyudad at nasiyahan ito sa kanyang nakita. Nakinig ang mga tao sa kanyang sermon at ibinalik nila ang pananampalataya nila sa Diyos.
Sukurta daugiau nei 30 milijonų siužetinių lentelių