Si Ka Bote ay naglalakad kada Lunes ng umaga atsumisigaw parahumingi ng mga bote. Marami ang nagbibingihan ngunit mayroon dingkusang nagbibigay.
Si Ka Bote ay may malambot na puso para sa mga hayop.
Isang Lunes, nanibago ang mga tao dahil hindi na nila narinig ang matandang sumisigaw sa umaga. May mga natuwadahil silaay nabubulabugan sa matanda, ngunit mas marami angnag-alala at naghanap sa matanda.
Di nakalipas, nabalitaan ng mga tao angmassaklap na pangyayari. Habang naglalakadsi Ka bote sa isang Sabado, may nakita siyan mga asong nagkakagulo sa tabi ng bangin.Pinigil niya ang gulo gamit ang bato at kahoyat nagtakbuhan ang mga aso sa iba't ibang direksyon.
May isang asong napadpad sa kanto ng bangin kaya umungol ito para humingi ng tulong.Narinig ito ni Ka bote at agad siyang tinulungan.Sa kasamaang palad, hindi napansin ni Ka Boteang hina ng kanyang inaapakan.
Naging usap-usapan ng sambayanan ang nangyari,ngunit nang nagtagal, unti-unti nang nalimutan ngmga tao. Namangha nalang sila nang may sumulpot na puting halaman sa iba't ibang bahagi ng kanilang bayan. tinawag nila itong "kabote" bilang pagkilala sa kabayanihan ni Ka Bote unti unting naging "u" ang"o" sa salita, at dito nagmula ang mga salitangkabute at kabutihan.
Sukurta daugiau nei 30 milijonų siužetinių lentelių