Para sa ating asignatura, kayo ay magsasaliksik ng mga bagay patungkol sa COVID-19. Isusulat ito sa isang malinis na papel. Naunawaan ba?
Naunawaan po, binibini. Maraming salamat po at paalam!
Online Class
Ate, mayroon ka bang alam na mga lehitimong site sa internet tungkol sa COVID-19?
Bunso, mainam na magpunta ka sa mga artikulong inilalabas ng Departamento ng Kalusugan. Naroon ang mga impormatibo at bagong detalye.
Salamat, ate! Ayan ang titingnan ko mamaya.
Walang anuman! Basahin mo nang maigi ang mga nakasulat dahil marami kang matututuhan.
Mga Impormasyon Tungkol sa COVID-19WWW.DOH.GOV.PH
Naisulat ko na ang lahat ng aking mga kailangan. Nakatutuwa naman at marami akong nalaman sa aking nabasa!
...Inaanyayahan ang lahat na limitahan muna pansamantala ang paglabas ng bahay. Panatilihin ang isang metrong distansya. Obserbahan ang sarili mula sa mga sintomas at palagiang maghugas ng kamay.
Opo, 'nay! Tinulungan po ako ni ateng maghanap ng mga babasahin.
Oh, anak, tapos ka na ba sa iyong takdang-aralin?
Ay, 'nay. Sa susunod na lamang po tayo lumabas. Nabasa ko po kasi na mas ligtas na manatili na lamang sa loob ng bahay.
Mabuti naman kung gano'n. Oh siya, maghanda ka na nang makaalis na tayo papunta sa gusto mong kainan.
Gano'n ba? Oh sige, dito na lamang tayo sa bahay kumain. Magluluto na lamang ako ng hapunan.
Sukurta daugiau nei 30 milijonų siužetinių lentelių