Hindi ko lubusang maisip kung ano ang mangyayari sa bayan kung ganoon ang pag-iisip ng karamihan. Sa mga lumalaban naman, sana ay tuparin nila ang kanilang pangako at isaalang-alang ang kapakanan ng mga mamamayan at ng bayan. Huwag sana puro ang sariling kagustuhan at kapakanan lamang ang isipin.
JUAN DELA CRUZ PARA MAYOR! ATING IBOTO!
MULING IBOTO!
Ako rin ay napaisip! Kasi kahit wala akong pakialam sa politika, maaapektuhan pa rin ako, ang aking pamilya, at ang marami pang iba. Kaya tama nga siya, dapat din tayong makiisa at pumili ng maayos na mamumuno ng bayan!
Alam mo? Napaisip ako sa sinabi ng ating kaibigan...Kasi tama naman siya, papaano nalang ang mga susunod na henerasyon kung tayo ngayon ay walang pakialam sa nangyayari sa ating bayan? Dapat nga talaga na tayo ay kumilos din ang maging isang aktibong mamamayan ng bansa.
Nagagalak ako sapagkat sa wakas ay natuto na rin ang aking mga kaibigan. Bilang isang mamamayan ng bansang ito, marapat na tayo ay maging aktibo at makilahok sa mga gawaing panlipunan. Dapat na tayo ay gumawa ng mga bagay para sa ikabubuti at ikauunlad ng ating kapwa at ng bansa. Tayo ay dapat na maging makatao, makakalikasan, at makabansa upang maisakatuparan natin ang pagkamamamayan ng bayang ito. Kaya ikaw kapwa ko kabataan, tumindig ka para sa ating bansa at para sa kinabukasan ng mga susunod pang henerasyon.
Sukurta daugiau nei 30 milijonų siužetinių lentelių