Hayop ka. Hayop ka. HAYOP KA! ANG KAPAL NG MUKHA MO PARA GANYANIN ANG KAPATID KO! DEMONYO KA! DEMONYO! DEMONYO! MAMATAY KA! -AHHHHH!
Chr- okay na ang lahat. Wala na yung- wala na yung demonyo. Natanggal ko na siya kaya- ...wag ka nang umiyak...
Wag mo akong tingnan ng ganyan- na para bang ako yung halimaw na sinubukan kang saktan. Diba nga sinabi kong wala na siya!? Patay na siya. PATAY NA SIYA!
Ana. Anong tingin mo ginagawa mo... Sinubukan mo akong iwanan? Gusto mo akong IWANAN?!
Kuya... Sorry po... sorry po...
Wag kang mag sorry. Tumahimik ka. TUMAHIMIK KA!
Kuya...
Dahil sa pangyayari, hindi napigilan ni Carlo ang kanyang sarili sa sobrang galit- Ang kanyang paningin ay nabalot ng kulay pula na hindi inakala ay dugo na pala ng kanyang ama.
Matapos ang matinding poot ni Carlo, nakita niya si Christina na gulat sa takot. Kaya naman nagtungo si Carlo dito upang aliwin si Christina, na para bang nawala si Carlo sa kanyang tamang pag-iisip ng saglit.
Kahit sa pag seguro ni Carlo sa kanyang nakababatang kapatid, katunayan pa rin na si Christina ay nilamon ng takot dahil sa pangyayaring naganap. Bagaman, para kay Carlo, ito ay isang kilos na makatarungan at kabayanihan. Para kay Christina, nakakita lamang siya ng isang kilos ng pagpatay at pagkasala.
Sukurta daugiau nei 30 milijonų siužetinių lentelių