Si Simoun ay sugatan at nanghihinang kumatok sa tahanan ni Padre Florentino, ang amain ni Isagani.
Walang tanong-tanong ay buong pusong tinanggap ng indiong si Padre Florentino si Simoun at pinagyaman ang maysakit.
Nang araw ding iyon ay may dumating na sulat na nagsasabing may huhulihin silang tao sa bahay ni Padre Florentino buhay man o patay ay huhulihin nila ito.
Sa pag-aakala ni Don Tiburcio de Espadana na noon ay nakikitira kay Padre Florentino na siya ang huhulihin at dahil kagagawan iyon ng kanyang asawa ay dali-dali syang nag-empake at umalis upang hindi abutan ng mga guardia sibil.
Kahit anong paliwanag ni Padre Florentino na si Simoun ang pinatutungkulan ng sulat ay hindi naniwala si Don Tiburcio at umalis pa din ito.
Samantala, hindi alam ni Padre Florention kung ano ang gagawin kay Simoun, patatakasin ba ito o ano, kung kaya’t sinabi niya kay Simoun ang ukol sa sulat at nagulat siya sapagkat ayaw ni Simoun na tumakas at ngumiti pa ito ng pauyam.
Sukurta daugiau nei 30 milijonų siužetinių lentelių