Elle!! Ikaw pala!! Mabuti naman ako! Ikaw ba?
Mabuti rin naman! Sa katunayan ay kakatapos lang ng aming klase sa Ekonomiks
Kamusta naman ang inyong klase? Baka naman pwede kang magbahagi ng ilan sa iyong natutunan para naman may maisagot ako mamaya kay Gng. Cruz kapag ako ay tatanungin niya
Pinag-aralan namin kanina ang tungkol sa 3 paraan na isinasagawa ng ating pamahalaan nang sa gayon ay makontrol nila ang presyo ng bilihin sa pamilihan.
Ahhh. Ano-ano ang tatlong iyon?
Ang tatlong iyon ay ang tinatawag na price freeze, price ceiling, at price floor.
Teka, parang pamilya sakin yung price freeze. Iyon ba ang tawag sa pamamaraan kung saan sila ang kanilang itinakdang presyo sa isang bilihin ay hindi maaaring taasan.
Tama ka Bella. Iyon nga ang tinatawag na price freeze. Sa madaling salita, ito ay pagbabawal nila sa pagtataas ng presyo ng bilihin. Kadalasan nila itong ginagawa tuwing mayroong kalamidad.
Sa aking pagkakaalam, layunin ng paraang ito na maiwasan ang pagsasamantala ng mga negosyante.
Tama ka riyan Bella! Iyon nga ang layunin nito
Ano naman ang price ceiling at price floor?
Sukurta daugiau nei 30 milijonų siužetinių lentelių