'Si Donathan' ay isang kuwento na kagigiliwan ng mga bata ngayon at may kapupulutan na mabuting aral.
It ay kuwento na inakda ni Yushua Amore Nile Montecillo at Leubart Don Daayata.
Testo Storyboard
Sa bayan ng Sta. Barbara, nakatira ang mag-asawang Hilda at Fransisco na may pitong anak.
Ang mag-asawa ay parehong nagtatrabaho sa isang pabrika sa karatig ngayo.
Dahil sa subsob sa trabaho ang mag-asawa at sa aga nilang umalis ng bahay ay ang panganay na anak na si Frankle Don ang naiiwan para asikasuhin ang kailanganin ng mga nakababatang kapatid.
Halos lahat ng gawaing bahay ay pinapasa na kay Frankle Don. Sa tuwing nasa bahay naman ang mga magulang, ay tila hindi na napapansin si Frankle Don, halos hindi na siya nabibigyan ng oras ng mga magulang.
Sa halip, siya nalang ang palaging inuutusan o inaatasan na magbabantay at mag-aalaga sa kanyang mga kapatid
Nasa bahay lang si Frankle Don pero mahigpit pa rin ang kanyang ama lalo na sa mga gawaing bahay. Tuwing nakakauwi si Don ng matagal mula sa paaralan ay pinapagalitan siya ng kanyang ama lalo na kapag hindi napapakain ang kanyang mga alagang manok.
Nang nasa Mataas ng Paaralan na siya, alam ni Frankle Don na kailangan niyang pagbutihin ang kanyang pag-aaral dahil ito ay isang paghahanda na para sa pag-aaral sa kolehiyo. Inaasahan na niya na maraming mga proyekto at takdang-aralin ang hihingin sa kanila ng mga guro