Ito si Luna. Siya ay nag-aaral sa isang top university sa Pilipinas. Dean's lister at running for honors.
Masipag, mabait, at responsable si Luna. Malapit siya sa kanyang pamilya at palagi silang naglalaan ng oras para sa isa't isa. Pangarap ni Luna na magkaroon ng magandang buhay para sa kanilang lahat.
Nag-aaral si Luna sa library nang biglang tumawag ang Mama niya.
Agad na nag-empake ng gamit si Luna at bumyahe pauwi sa kaniyang probinsya. Patuloy ang kanyang pag-iyak dahil sa sobrang pag-aalala.
Luna, umuwi ka na. Nabangga ang sinasakyan ni Papa mo kanina. Hindi pa siya gumigising at nag-seizure siya ngayon lang. Hindi na maganda ang kalagayan niya.
Sige, Ma. Mag-aabang na ako ng first trip ng bus.
Papa, lumaban ka please! Kailangan ka namin, Papa!
Pagdating ni Luna sa kaniyang probinsya, dumiretso na siya sa hospital. Ngunit, nahuli na siya. Pagdating niya, pumanaw na ang kanyang ama.
Time of Death: 8:27 AM
PAPA! BAKIT MO KAMI INIWAN? HINDI NAMIN KAYA NA WALA KA, PAPA!
Labis ang hinagpis na nadarama ng buong pamilya ni Luna.
Dumaan ang ilang linggo, patuloy na nalugmok si Luna. Hindi siya makakain o makabangon at patuloy lamang ang pag-iyak niya at pangungulila sa yumaong ama.
Papa, hindi ko kaya na wala ka. Hindi ko alam kung paano ko ipagpapatuloy ang buhay ko. Kailangan ka namin, Papa.