Ang ating lesson sa araw na ito ay ang pagiging isang  mapanagutan at mabuting mananaliksik.
Sino ang pwedeng makapagsabi saakin kung paano maging isang mapanagutan at mabuting mananaliksik?
Ako po, ang mananaliksik po ay dapat maging masipag at matiyaga dahil sa pangangalap po ng datos ay kailangang mapagsiyasat at maging pasensyoso.
Sino pa ang nais magbahagi ng kanyang kasagutan?
Ako po! ang isang mananaliksik po ay dapat maging maingat sa pagpili at paghimay sa mga datos at kinakailangang din pong ang pananaliksik na gagawin ay sistematik o may prosesong sinusunod.
Sino pa ang nais magbahagi ng kanyang kasagutan?
Ako po, ang mananaliksik po ay dapat maging maging mapanuri at maglaan ng sapat ng panahon sa pangangalap ng mga datos at sa paggawa ng pananaliksik.
Sino pa ang nais magbahagi ng kanyang kasagutan?
Ako po, upang maging mapanagutan po ang isang mananaliksik ay dapat niyang kilalanin ang lahat ng pinagkunan niya ng datos.
Ang mananaliksik din po ay hindi dapat nagnanakaw ng mga salita ng iba kundi sinisipi ito at binibigyan ng karampatang pagkilala. 
Sino pa ulit ang nais magbahagi ng kanyang kasagutan?
Ako po! upang maging mapanagutan po ang isang mananaliksik ay dapat ang bawat hiram na termino at ideya sa kanyang pananaliksik ay ginagawan niya ng karampatang tala.
Sa parehong katungan ay sino pa ulit ang nais na magbahagi ng kanyang kasagutan para sa kanyang partisipasyon sa klaseng  ito?
Mahusay! Lahat ng inyong mga kasagutan ay tumpak! Lagi nating tatandaan na sa pananaliksik ay dapat isaalang-alang ng mananaliksik ang pananagutan sa kaniyang sarili, sa mga manunulat na kanyang mga hanguan, sa kanyang mga mambabasa at sa lipunan. 
Ako po, ayon po kay Atienza, et al., ay ang mananaliksik po ay dapat  hindi nagkukubli ng datos para lamang palakasin o pagtibayin ang kanyang argumento o para ikiling ang kanyang pag-aaral sa isang partikular na pananaw.