Ricerca
  • Ricerca
  • I Miei Storyboard

Kabanata 21 storyboard

Crea uno Storyboard
Copia questo Storyboard
Kabanata 21 storyboard
Storyboard That

Crea il tuo Storyboard

Provalo gratuitamente!

Crea il tuo Storyboard

Provalo gratuitamente!

Testo Storyboard

  • Kabanta 21
  • Kabanata 21
  • Hindi sila nagnanakaw. Maghalughog kayo sa bahay namin at kapag nakakita kayo ng kahit na magkano ay gawin na ninyo sa amin ang gusto ninyong gawin.
  • Si Crispin ay matagal ko nang hindi nakikita. Dinalaw ko siya sa kumbento, ngunit ang sinabi lang sa akin na...?
  • Magtapat ka sa amin. Kung hindi ay igagapos ka namin sa bahay at babarilin. Huwag kang magsisinungaling at mamamatay ka! Hinahanap namin ang anak mo. Ang malaki ay nakatakas pero ang maliit ay nakatakas, saan mo dinala?
  • Si Sisa ay dali-daling tumakbo pauwi sa kaniyang bahay. Gulo ang isipan, at hindi alam kung bakit sa kaniya pa nangyari ang gayong kasawian.
  • Kung gayon, ibigay mo sa amin ang mga salapi at hindi ka na namin huhulihin.
  • Kung ganon ay isasama ka namin sa kuwartel.
  • Parang pinagtakluban siya ng langit at lupa. Nalimot na siya ng lahat, pati na nang asawa, at ngayon si Sisa'y tumatangis, at itinatangis niya ang kaniyang kaapihan. Upang hindi siya makita ay tinakpan niya ang mukha at pikit ang matang lumakad. 
  • Ang tunog ng kampana ay naririnig ni Sisa, iyon ang hudyat ng katatapos na misa. Binilisan niya ang lakad ngunit ang mga tao ay marami na. Bawat tinging napupukol sa kaniya ay nakakasugat ng damdamin kaya't patuloy siyang lumakad nang nakatungo.
  • Si Sisa'y dalawang oras na nakakulong sa kuwartel, gulong-gulo ang buhok at halos mabaliw sa lalim ng iniisip. Tanghali na nang malaman ng Alperes na nakakulong si Sisa. Ang unang iniisip ng Alperes ay pawalang-halaga ang sumbong ng kura. 
  • Iyan ay kagagawan lang ng kura. Kung gusto niyang mabalik ang pera ay hingin niya kay San Antonio.
  • Halos ipagtulakan bg mga guwardiya sibil si Sisa na ayaw nang kumilos sa kaniyang kinauupuan. 
  • Muling lumakad si Sisa patungo sa kaniyang bahay. Umakyat at nilibot ng tingin ang kabahayan na parang may hinahanap, naglakad ng hindi alam ang pupuntahan. Minsan pa siyang bumalik sa kaniyang bahay. Nakita niya ang pilas ng baro ni Basilio, minasdang mabuti ngunit hindi napuna ang bahid ng dugo. Kinabukasan si Sisa'y makikitang pagala-gala, umaawit at nakikipag-usap sa lahat ng nilikha.
Oltre 30 milioni di storyboard creati