Ngunit, narito na sa akin ang pagkakataon. Hahayaan kitang mabuhay, Basilio. Sumama ka sa akin, sabya nating isakatuparan ang aking mga plano laban sa mga mapang-api!
Salamat sa pagtitiwala Ginoong Simoun, ngunit ako man ay may mga pangarap din. Gusto kong makapagtapos. Gusto kong maging isang ganap na doktor.
Isang pagkakamali! Hindi kailanman ito magiging wikang pambansa! Aanhin natin ang wikang ito? Itatago lamang ng huwad na wikang ito ang ating mga karapatan! Ang ating mga pagkatao!
Ginoong Simoun, mali ang inyong iniisip.
Sa simula pa lamang, akin nang nasaksihan ang inyong lupon. Ang mga kabataang naghahangad na itatag ang Akademya. Ilang beses ko na ring tinangkang lapitan si Macaraig, o si Isagani,
upang ihayag sa inyo ang mga pagkakamali ng inyong binabalak, ngunit alam kong hindi kayo makikinig at inyo lamang iisipin na ako’y nasisiraan ng bait.
Lumalalim na ang gabi. Bumalik ka na sa inyo. Basilio, hindi ko hinihiling na iyong itago ang aking lihim, dahi kahit ihayag mo iti’y tiyak kong hindi ka nila paniniwalaan.
Gayon man, kung sakaling magbago ang iyong isip, hanapin mo lamang ang aking bahay sa may Escolta.
Sige na po, mauna na po ako Ginoong Simoun.
Sa kabanatang ito masisilayan ang talas ng kaisipan ng dalawang tauhan na sina Simoun at Basilio. Pagkatapos ng labing-tatlong taon ay muling nakita ni Basilio ang misteryosong lalaki na tumulong sa paglilibing sa kanyang inang si Sisa. Ito ay ang nagbabalat-kayong mag-aalahas na si Simoun.