Si Aling Rosa ay isang balo. May sampung taong gulang siyang anak na si Pina. Kaisa isa nya itong anak kaya't gusto niya itong matuto ng gawaing bahay.
Tinuturuan si Pina ng kaniyang Ina ngunit sinasabi niya na marunong na siya kaya't pinabayaan na lang siya ng kanyang ina.
Isang araw sumama ang pakiramdam ni aling Rosa napilitan naman gumawa ng gawing bahay si Pina. Tumagal ang sama ng pakiramdam ni Aling Rosa.
Inutusan ni Aling Rosa ang anak na magluto dahil siya'y may sakit. Hindi kaagad nakapagluto si Pina dahil hindi niya mahanap ang sandok. Itinanong niya pa ang ina kung saan ito nakalagay. Nagalit ang ina sa anak.
Siya ay napagalitan ng ina dahil sa hindi pagsunod sa kanyang utos. Umalis si pina at para hanapin ang sandok ngunit kinagabihan na ay nababahala si Aling Rosa dahil hindi pa bumabalik si Pina.
Isang umaga, may nakitang kakaibang halaman sa hardin si aling Rosa. Noon niya lang nalaman na nagkatotoo na ang kanyang sinabi. Nagsisi siya at inalaagan niya ang halaman sa hardin. Pingalanan niya itong PINYA.