Ricerca
  • Ricerca
  • I Miei Storyboard

Kabanata 12: Placido Penitente

Crea uno Storyboard
Copia questo Storyboard
Kabanata 12: Placido Penitente
Storyboard That

Crea il tuo Storyboard

Provalo gratuitamente!

Crea il tuo Storyboard

Provalo gratuitamente!

Testo Storyboard

  • Malungkot na patungo sa Unibersidad ng Santo Tomas si Placido Penitente sapagkat ibig na niyang tumigil ng pag-aaral tulad ng nasabi na niya sa 2 sulat niya sa ina na nagagalit sa kaniya. Pinakiusapan nga lamang siya ng ina na kahit batsilyer sa artes ay matapos niya.Nasa ikaapat na taon na siya.
  • Nagulat pa si Placido nang makapasok na siya sa Magallanes (dating Sto. Domingo) at siya'y tapikin ni Juanito Pelaez sa balikat. Si Pelaez ay mapaghangin at paborito ng mga guro. Anak ng mestisong Kastila. Mayaman. May pagkakuba.
  • Malapit na sila sa Unibersidad. Naroon si Isagani na nakikipagtalo ukol sa aralin. Ang ibang estudyante ay naniningin ng magagandang dalagang nagsisimba. Namutla at namula sa lugod si Isagani nang magkulusan ang mga mag aaral at magtinginan sa isang bagong dating na victoria o karuwahe. Nakita niya si Paulita Gomez, ang kaniyang katipan, na kasama si Donya Victorina. Si Donya Victorina ay ngumiti kay Juanito Pelaez
  • Nagpasukan na sa paaralan ang mga estudyante. Ngunit may tumawag kay Placido. Pinalagda si Placido sa kasulatang tutol sa balak na paaralan ni Macaraig. Hindi lumagda si Placido. Walang panahong basahin ang kasulatan. Nalaala niya ang isang amain na nawalan ng mga pag-aari nang lumagda sa isang kasulatang di binasa.
  • Sa matagal na pagpipilitan ay nahuli sa klase si Placido Penitente. Pumasok parin si Placido. Hindi na patiyad. Pinatunog pa ang takong ng sapatos. Inakala niyang ang pagkakahuli niya ay pagkakataon na upang siya'y mapuna at makilala ng kaniyang guro. Sila'y may mahigit na 150 sa klase. At siya nga'y napuna ng guro na lihim na nagbanta.
  • Walang galang!
Oltre 30 milioni di storyboard creati