Ricerca
  • Ricerca
  • I Miei Storyboard

Filipino10PT-Komik strips-Dongel

Crea uno Storyboard
Copia questo Storyboard
Filipino10PT-Komik strips-Dongel
Storyboard That

Crea il tuo Storyboard

Provalo gratuitamente!

Crea il tuo Storyboard

Provalo gratuitamente!

Testo Storyboard

  • Maaari ba kitang matulungan, Ginoo?
  • Ako po si Basilio. Naaalala ko pa nang tinulungan mo akong ilibing ang aking ina dito sa pook na ito, labing tatlong taon na ang nakalipas.
  • Sino ka? Kilala mo ako? Anong ginagawa mo dito?
  • Hiling ko po sana na gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas at bigyan ng pantay-pantay na karapatan ang mga Pilipino at kastila.
  • Mukhang imposible iyan dahil ang mga hiling na ito ay magpapawi sa kanilang pagkamamamayan at magpapanalo sa mga naniniil.
  • Hindi po, ang Kastila po mismo ang magbubuklod  sa mga  pulo at dahil sa  kastila ay mapapalapit  ang mga Pilipino sa pamahalaan.
  • Tsaka, ang pagdadagdag ng isa pang wika sa bansa ay hahantong lamang sa hindi pagkakaunawaan.
  • Hindi totoo yan dahil kahit kailanman ay hindi magiging unibersal na wika ang Kastila  dahil ang  bawat bayan ay may kanya-kanyang diyalekto na iniuugnay sa sarili nitong damdamin at kaugalian.
  • Alam mo, isang malaking pagkakamali ang gagawin ninyo tungkol sa wikang Kastila. Lalo lang kayong magiging alipin. Sa halip ay tulungan mo ako sa aking plano. Gamitin mo ang iyong lakas sa kabataan at sumali sa paghihimagsik laban sa pamahalaan ng mga Kastila.
  • Sa Kabanatang ito masasaksihan ang mga iba't ibang layunin ng dalawang tauhan na sina Basilio at Simoun.  Matapos ang labing tatlong taon ay nakita muli ni Basilio ang lalaking tumulong sa kanya sa paglilibing ng kanyang inang si Sisa, ito ay ang nagbabalatkayong mag-aalahas na si Simoun. Masisilayan dito ang kahalaghan ng karunungan dahil ang galing ng tao ang magiging susi sa pagkamit ng kalayaan para sa lahat .
  • Alam kong hindi kita mapipilit ngunit kung magbabago man ang iyong isip, hanapin mo lang ako sa aking tahanan.  Tama ka, lumalalim na ang gabi kaya mabuti pang bumalik kana ng bayan.
  • Isang napakalaking  karangalan po ang mapagtapatan ng inyong mga balak, Ginoo. Ngunit hindi ko magagawa ang inyong nais dahil naniniwala akong walang katapusan ang karunungan. Ang hangad ko lamang ay maging ganap na doktor at gamutin ang mga sakit ng aking mga kababayan. Kung hindi niyo po mararapatin, mauna na po ako sapagkat lumalalim na ang gabi.
Oltre 30 milioni di storyboard creati