Ricerca
  • Ricerca
  • I Miei Storyboard

EL FILIBUSTERISMO

Crea uno Storyboard
Copia questo Storyboard
EL FILIBUSTERISMO
Storyboard That

Crea il tuo Storyboard

Provalo gratuitamente!

Crea il tuo Storyboard

Provalo gratuitamente!

Testo Storyboard

  • KABANATA IV
  • Ating dakipin ang lalaking ito.
  • Sasama ka sa amin.
  • KABANATA VII
  • Crisostomo Ibarra?!
  • Ikaw, nakikilala mo ba ako?!
  • KABANATA X
  • "Ipagpaumanhin mo kung ikaw ay aking pinagnakawan sa aking sariling pamamahay. Nasa lamesa ang relikaryo ni Juli kapalit ng aking kinuhang rebolber mula saiyo. Ito ay aking kakailanganin sapagkat aking napagdesisyunan na sumapi sa mga tulisan. - Tales"
  • Sa wakas ay nakuha ko na rin ang aking ninanais.
  • 
  • Nang ipag-utos ng Kapitan Heneral na ipagbawal ang pagdadala ng armas, nagtanod pa rin si Kabesang Tales sa kaniyang lupain dala ang kaniyang gulok. Dulot ng kawalan ng ibang armas, bukod sa kaniyang dalang gulok, nabihag si Kabesang Tales ng mga tulisan at ipinatutubos kapalit ng limandaang piso.
  • KABANATA XIV
  • Nararapat nating makuha ang pagkiling ni Don Custodio upang matuloy ang pagpapatayo ng Akademiya ng Wikang Kastila.
  • Ngunit paano?
  • Maaari nating pakiusapan si Ginoong Pasta.
  • O kaya naman ay kausapin natin ang mananayaw na si Pepay sapagkat magkaibigan sila ni Don Custodio.
  • Mula sa matandang gubat na pagmamay-ari ng mga Ibarra, nakita ni Basilio ang mag-aalahas na si Simoun. Maya-maya ay kaniyang napag-alaman na si Simoun pala ay walang iba kundi ang tagapagmana ng lupaing iyon na si Crisostomo Ibarra.  Dahil sa gulat ni Simoun, inilabas niya ang kanyang rebolber. Inamin ni Simoun kay Basilio ang kaniyang ginawang pagpapayaman upang bumalik at sirain ang pamahalaan.
  • KABANATA XV
  • Ginoong Pasta, nakikiusap po ako sa inyo. Kung maaari po sana ay sumang-ayon po kayo kung sakaling sumangguni si Don Custodio kaugnay sa usapin ng pagpapatayo ng Akademiya ng Wikang Kastila.
  • Kinaumagahan mula sa pakikituloy ng mag-aalahas na si Simoun sa tahanan ni Kabesang Tales ay hindi na niya ito nakita. Nawawala rin ang rebolber ni Simoun, ngunit nakita niya ang relikaryo ni Juli at isang sulat mula kay Kabesang Tales. Matapos itong basahin, imbis na magalit ay lihim itong ikinatuwa ni Simoun sapagkat nakahanap siya ng isang taong mapangahas ngunit tumutupad sa kaniyang pangako.
  • KABANATA XX
  • Buo na ang aking loob. Handa na akong ipaalam sa lahat ang aking pasiya patungkol sa Akademiya ng Wikang Kastila.
  • Nagtipon-tipon ang mga mag-aaral na sina Makaraig, Isagani, Sandoval, Pecson, at Pelaez upang pag-usapan ang kanilang gagawin upang makuha ang pagkiling ni Don Custodio. Dalawang paraan ang kanilang naisip, pakiusapan si Ginoong Pasta o kausapin ang mananayaw na si Pepay na kaibigan ni Don Custodio. Sa huli, pinili nila ang mas marangal na paraan, ang kausapin ang manananggol na si Ginoong Pasta.
  • Piliin natin ang mas marangal na kaparaanan, at iyon ay ang pakiusapan si Ginoong Pasta. Ako na lamang ang kakausap sa kanya bukas.
  • Nagtungo si Isagani sa tanggapan ng manananggol na si Ginoong Pasta upang pakiusapan itong maging tagapamagitan nang naaayon sa kanila kung sakaling hingian siya ng payo ni Don Custodio kaugnay sa usapin ng pagpapatayo ng Akademiya ng Wikang Kastila. Sa huli ay nabigo si Isagani sapagkat marami umanong pag-aari ni Ginoong Pasta ang maaaring maapektuhan kung kakalabanin ang batas at mga prayle.
  • Pasensya ka na Isagani, ngunit hindi ko magagawa ang iyong hinihiling. Napakaselan ng usaping ito. Malalagay sa alanganin ang aking mga ari-arian kung aking kakalabanin ang batas, lalong-lalo na ang mga prayle.
  • Si Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo na kilala bilang Buena Tinta ("Mapagkakatiwalaan ang Sabihin") ang siyang pinagkatiwalaan ng Kapitan Heneral patungkol sa usapin sa Akademiya ng Wikang Kastila. Makalipas ang labinlimang araw, hawak na ni Don Custodio ang kasulatan ukol sa kaniyang pasiya at handa na niya itong ipaalam sa lahat.
Oltre 30 milioni di storyboard creati