Ricerca
  • Ricerca
  • I Miei Storyboard

Ibong Adarna

Crea uno Storyboard
Copia questo Storyboard
Ibong Adarna
Storyboard That

Crea il tuo Storyboard

Provalo gratuitamente!

Crea il tuo Storyboard

Provalo gratuitamente!

Testo Storyboard

  • Sa kabundukan ng Armenya si Don Juan naninirahan upang pagtakpan at huwag maparusahan ang tunay na maysala sa pagkawala ng Ibong Adarna. Si Don Diego ay nahihiya humarap kay Don Juan dahil sa nagawa niya subalit nagpasya silang maniniharan na rin doon kasama si Don Juan. Isang bahay na gawa sa kahoy ang nagging tahanan nila at maligaya silang naninirahan sa Armetanya.
  • Sa pagkalipas ng panahon, nagpasya ang tatlo na tuklasin ang bahagi ng kabundukan. Sila ay naglakbay at naghanap ng bagong kapalaran. Nakakita sila ng isang balon. Ang bunganga ng balon ay batong marmol na makinis at mga lumot sa paligid ay mga gintong nakaukit. Namangha sila sa napakalalim at walang tubig na balon. Ito ay may lubid at Isa isa silang bumababa sa talon. Naunangbumaba si Don Pedro pero hindi niya siya nagtagal dahil napakadilim sa ilalim ng balon. Sumunod si Don Diego pero hindi rin nagtagal.
  • Narating ni Don Juan ang pinakalalim na bahagi ng balon. Namangha siya sa napakagandang hardin. Natuklasan niya na may nakatagong paraiso sa ilalim ng lupain ng Armenya. Nakakita siya ng isang babaing diyosa . Hindi makapaniwala si prinsesang Donya Juana na narating ni Don Juan ang pook na ito. Lumuhod si Don Juan at nagpakilalang prinsipe ng Berbanya. Namangha si Don Juan sa kagandahan ng prinsesa at sana ay tanggapin ni Donya Juana ang kanyang pag-ibig. Hindi na man siya nabigo sapagkat umibig din sa kanya ang prinsesa.
  • Ipinagtapat ni Donya Juana sa kay Don Juan na ang bantay sa hardin ay isang higante. Hindi nagtagal dumating ang higante at nakaamoy siya ng tao. Kinalabutan ang prinsesa sa tinig ng higante. Nagalit si Don Juan at hinamon ang higante. Gumamit si Don Juan ng ispada laban sa higante at kinabukasan natalo niya ang higante. Naghiling si Donya Juana na iligtas niya rin ang kanyang kapatid. Pinagbabalaan ni Donya Juana si Don Juan na mas mabagsik ang bantay ni Prinsesa Leonora na walang iba kundi ang serpyenteng na may pitong ulo.
  • Nabigla si Prinsesa Leonora sa kay Don Juan. Higit na maningning ang kagandahan ng prinsesa kaya labis na nabughani ang puso ni Don Juan. Nakiusap at nagmakaawa si Don Juan na siya ay kupkupin ng prinsesa sapagkat tunay na nabihag ang kanyang puso. Dumating na ang serpyenteng na may pitong ulo at ito ay natalo ni Don Juan. 3 oras ang itinagal ng kanilan labanan.
  • Naligtas ni Don Juan ang dalawang prinsesa at nainggit ang kanyang dalawang kapatid dahil namangha ang dalawang babae sa kay Don Juan. Naiwan ni prinsesa Leonora ang kanyang singsing na diyamante na pamana ng kanyang ina. Bumaba si Don Juan ngunit pinutol ni Don Pedro ang lubid.
Oltre 30 milioni di storyboard creati