May alam ka ba sa isang pakanang natuklasan? Tila marami ang nasasangkot.
Maraming nasasangkot?
Ang pakana! Anong pakana?
Diapositiva: 2
Ipinapayo ko sa iyong tumiwalag agad at itigil ang pagbayad ng butaw. Itapon mo lahat ng papeles na magpapahamak sa iyo.
Ano ang nagaganap sa unibersidad?
Diapositiva: 4
Nang makarating si Basilio sa ospital ng San Juan de Dios, nagulat siya sa mga tanong ng kanyang mga kaibigan tungkol sa isang pakana. Sinakmal siya ng takot nang maalala niya ang balak ni Simoun na hindi natuloy. Nagkunwari na lang siyang walang nalalaman.
Maari namang sumuporta o tumutol sa mga paskin kung ito ay sumasang-ayon o di sumasang-ayon sa sariling kuro.
Wala akong alam. Ikaw ang saksi ko, huwag mong kakalimutan.
Isang lingong walang klase!
Tumungo na muli si Basilio sa unibersidad upang alamin ang kanyang kalagayan at ang tungkol sa kanyang pagtatapos. Pagdating niya sa kalye Solano, kitang kita niyang may nangyari nga. Ang mga guardia sibil ang naroong nagtataboy sa mga mag-aaral na lumalabas ng unibersidad. Masaya ang iba, gayundin ang iba'y nalulungkot at nagagalit. Si Tadeo ay higit na masaya sa balitang walang klase, habang si Juanito ay takot na mapagbintangan. Si Isagani naman ay walang pakialam.
Diapositiva: 5
Isang propesor sa klinika na kaibigan niya ang kanyang nasalubong. Tinanong nito kung nasa piging ba si Basilio kagabi at kung siya ba ay kasama sa pisanan ng mga mag-aaral. Ayon sa doktor, may mga pasking masasamang nakakalat sa unibersidad. Ang mga mag-aaral daw ang pinagbibintangan ng mga guardia sibil, kaya ibinilin nito na mag-ingat si Basilio.
Hindi na si Basilio nagtagal at umalis na siya patungo sa bahay ng mayamang mag-aaral na si Makaraig. Nang makalapit na siya rito, napansin niya ang pagbubulungan at paghuhudyatan ng mga kapitbahay. Dahil sa hindi alam ni Basilio ang kanilang pinag-uusapan ay palagay ang loob na nagpatuloy sa paglakad.
Diapositiva: 6
Maagang-maagang nagising si Basilio. Nakatakda na ang lahat ng kanyang gagawin. Bibisitahin niya ang kanyang mga pasyente. Pagkatapos, tutungo siya sa unibersidad upang alamin ang mga bagay tungkol sa kanyang pagtatapos at makikipagkita kay Makaraig tungkol sa gugugulin dito.
Huwag kang matakot, kaibigan. Lumulan na tayo sa karwahe. Ibabalita ko sa iyo ang nangyari sa piging kagabi.
Pinahintay si Basilio ng dalawang bantay sa bahay ni Makaraig at tinawagan ang kabo na kasama ni Makaraig. Napaisip si Basilio kung sila ba ay huhulihin na. Nagtaka ito nang makita si Makaraig at ang kabong masiglang nakikipag-usap. Sila nga ay dinarakip ngunit ipapaliwanag ni Makaraig ang mga nangyari sa piging kagabi.