Marami itong magagandang palamuti. Pero, dalawa lang ang alam ko tungkol sa punong ito. Una, ang tawag dito ay krismas tri. Pangalawa, wala kaming ganitong puno.
May dalawang magkapatid na mahilig sa berde, tatsulok na hugis ng puno. Sa tuwing umiilaw ang maliliit na bombilya na nakasabit doon, kumikislap din ang kanilang mga mata. Ngunit, nakikita lamang nila ito sa telebisyon, minsan sa malalaking bahay, at sa kanilang mga tito at tita.
Csúszik: 2
Kuya, tignan mo ang halaman na ito. Hindi ba't parang katulad ng krismas tri na gustong gusto natin?
Tama ka, bunso. Mayroon siyang hawig sa krismas tri na gusto natin. Tara't kunin natin iyan.
Sa puso ng dalawang magkapatid, bilang napakabata pa, hindi kumpleto ang pasko kapag walang krismas tri. Kaya naman sila ay namumundok at naghahanap ng halaman na maaaring gawin krismas tri.
Csúszik: 3
Tama ka dyan bunso. May krismas tri tayo ngayong pasko.
Kuya, ang ganda ng krismas tri na nagawa natin.
Ang halaman na kanilang nakuha sa pamumundok ay kanilang inaayos sa pormang krismas tri at nilalagyan ng iba't ibang palamuti. Pagkatapos ay mapapakanta sila ng krismas song na mali-mali ang lyrics kapag naitayo na nila ito.
Csúszik: 4
Nang dumating ang bagong kapaskuhan, muling naghanap ang dalawang magkapatid na magagawang krismas tri. Nakita nila ulit ang halaman na kanilang ginamit nung nakaraang taon. Sa kasamaang palad, tumubo ito sa isang punso at may nakita silang ulo ng ahas dito.
Csúszik: 5
Kuya, kuha tayo ng ilang sanga dito upang gawin nating krismas tri.
Sa pagsapit ng bagong kapaskuhan, dahil sa takot na mamundok ulit ay napagpasyahan na lamang ng dalawang magkapatid na kumuha ng isang sanga sa puno ng agoho na malapit sa kanilang bahay. Ito ay kanilang inayusan at ginawang krismas tri.
Csúszik: 6
Kahit lumaki na ang dalawang magkapatid, hindi pa rin nawala sa kanilang puso ang diwa ng kapaskuhan. May pagkakataon na hindi maiwasang umasam na magkaroon ng krismas tring gaya ng ibinebenta sa bayan. Ngunit, sila ay kuntento na kapag silang lahat ay nakangiti at sama-samang nakatawa.