Anak, aalis lang ako. Mamimili ng makakain at gamot para makainom kana.
Magpahinga ka lang at mabilis lang ako.
Huwag ka pong mag-alala sakin ma, kaya ko po sarili ko. Paalam po.
Opo, ma. Mag-iingat ka po.
Napanood ko sa balita na may COVID-19 raw na tinatawag kaya uso ang sakit ngayon.
Mare, ikaw pala yan. Kamusta naman anak mo, may sakit pa din ba?
Hindi pa rin umaayos, pati ibang tao sa bahay nahahawa na. Pang ilang araw na ito.
Kaya nga kinakabahan ako para sa mga anak ko mare. Hindi ko na alam gagawin.
Yung COVID-19 pala na ito ay nakakahawang sakit, tinawag na world pandemic dahil kalat ito sa buong mundo ayon sa World Health Organization.
Dapat talaga mag doble ingat na. Iwasan ang pakikihalubilo sa maraming tao at panatilihing malinis ang paligid lalo na ang bahay.
Kaya nga baka magbaba ng utos ang nakatataas para sa sa siguridad ng bawat isa.
May nabasa akong Article na kahit bata man o matanda ay nahahawaan niyan at nagkakaroon.
Panigurado yan mare, para na rin sa kaligtasan ng nakararami. At dapat mag suot ng face mask kung may ibababa man na utos. Nakakatakot na talaga panahon ngayon.