Keresés
  • Keresés
  • Saját Storyboards

Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan ComicStrip

Hozzon Létre egy Forgatókönyvet
Másolja ezt a forgatókönyvet
Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan ComicStrip
Storyboard That

Készítse el saját forgatókönyvét

Próbáld ki ingyen!

Készítse el saját forgatókönyvét

Próbáld ki ingyen!

Storyboard Szöveg

  • May isang matandang naninirahan malapit sa baybayin ng Dumangas kasama ang kanyang pitong anak na dalaga na magaganda.
  • Magandang araw papa!
  • Napakaganda ng pitong dalaga ko, natatakot akong makapangasawa sila ng lalaking maaaring maglayo sa akin
  • Isang araw, may pitong makikisig na binata ang dumating sa kanilang bayan. Nabalitaan din nila na may pitong magagandang dalaga sa bayan. Pumunta sila hindi lang para mangalakal kundi para makilala ang mga magagandang dalaga.
  • Balita ko nandito raw sa bayan na ito nakatira ang pitong magagandang dalaga
  • Tara! Puntahan at kilalanin natin sila.
  • Wow! ang ganda nito!
  • Nang makita nila ang pitong dalaga, nagulat at namangha sila sa kagandahan ng pitong dalaga. Ang pitong makikisig na binata ay nagpakilala at binigyan nila ang pitong magagandang dalaga ng mamahaling regalo at inanyayahan na pumunta sa bayan ng mga binata at sila ay nagsipayag.
  • Nagustuhan ko ang regalo!
  • Mabuti naman nagustuhan nila ang binigay na regalo natin.
  • Oo naman!
  • Binibini, maaari ba kitang isama sa bayan namin kasama ang iyong magagandang kapatid?
  • Nagpaalam ang pitong dalaga sa kanilang tatay na sila ay sasama sa pitong binata sa kabilang bayan ngunit...
  • Tara na aalis na tayo!
  • Hindi kayo pwede sumama! Hindi nyo pa masyadong kilala yang mga lalaking iyan! Baka kung anong mangyari sainyo.
  • Papa malalaki na kami! Gustong gusto namin sumama sa kanila
  • Umalis ang pitong dalaga kasama ang mga estranghero. Buong lakas na sumagwan ang ama para mahabol ang kaniyang pinakamamahal na mga anak subalit hindi nya mahabol ang makabagong bangka ng mga estranghero.
  • Mga anak, bumalik kayo!!
  • Kinaumagahan, hinahanap ng ama ang kanyang mga anak hanggang siya ay nakatanaw sa isang isla. Pito ang kanyang anak at pito rin ang isla na kanyang nakita! Mukang nahulaan na nya ang nangyari. Nalunod ang kanyang mga anak dahil sa malakas na hampas ng alon. Siya ay naging malungkot dahil wala na ang kanyang mga anak.
  • Mga anak... sana'y di kayo nagpasaway at nanatili kayong nasa tabi ko.
Több mint 30 millió storyboard készült