Hinahanda na ni Jada ang kanyang iuulat bukas sa kanyang klase tungkol sa pagiging makabayan.
Nasa klase na si Jada at nag-uulat na siya tungkol sa kahalagahan ng pagiging makabayan.
Nakapag-ulat ng maganda si Jada kanina sa klase, natuwa ang kanyang guro sa kanyang ginawa. Nagalingan din sa kanya ang kanyang mga kamag-aral. At ngayon pauwi na si Jada sa kanilang bahay.
Dumating na si Jada sa kanilang bahay at nadatnan nitong nasa sa sala ang kanyang nanay at tatay. Agad siyang lumapiy at nagmano.
Kinuwento ni Jada sa kanyang magulang na nagalingan sa kanya ang kanyang guro sa ginawa niyang pag-uulat kaya naman ipinagluto siya ng nanay niya ng paborito niyang ulam na Kare-Kare at Siningang na Hipon.