Hindi pa, nahihirapan kasi ako sa asignaturang Ingles. Bukas na ba ang pasahan niyon?
Hindi sa isang araw pa.
Hays, buti nalang marami pa akong oras na tapusin iyon. Bakit ba tayo nag-aaral tungkol sa wikang Ingles kung mayroon naman tayong sariling wika? Dapat na ang pinag-aaralan natin ay ang paggamit ng wikang Filipino dahil mas nauunawaan natin ang isa't isa kapag ito ang lengguwahe na ating ginagamit.
Tama ka William, mahalaga na matuto tayong gumamit ng ating sariling wika dahil ito ang instrumento ng komunikasyon ng mga tao. At saka, ang wikang Filipino ay sagisag ng ating bansa, at ito ang sumasalamin sa mga paniniwala, tradisyon, at kultura nating mga Pilipino. Gayunpaman, mahalaga rin na pag-aralan natin ang paggamit ng wikang Ingles.