Nagsimula ang epiko sa pagpapakilala kay Gilgamesh ang hari ng lungsod ng urok ,ngunit mayabang siya at abusado sa kaniyang kapangyarihan kung kaya't nanalangin ang kaniyang mga nasasakupan na makalaya sa kaniya
Tinugon ng mga diyos ang kanilang dasal ,nagpadala ito ng isang kasinlakas ni Gilgamesh na si Enkido naglaban sila at nanalo si Gilgamesh sa bandang huli ay naging matalik na magkaibigan sila.
Nagsanib pwersa sila para kalabanin si Humbaba ang demonyong nagbabantay sa kagubatan at napatay nila ito .
Pinadala ni ishtar ang toro ng kalangitan upang wasakin ang kalupaan dahil sa kawalan ng paggalang ni Gilgamesh at Enkido kaya itinakda ng mga diyos na dapat may isang mamatay sa kanilang dalawa at iyon si Enkido.
Sinubukang tangkain nila Gilgamesh at Enkido at siraan ang diyosang si ishtar at biglang nagkaroon si Enkido ng matinding karamdaman
Palala na nang palala ang karamdaman ni Enkido.Makalipas ang ilang araw,nagluksa si gilgamesh sa pagkamatay ng kaniyang kaibigan sa loob ng pitong araw ay pinagtayo niya ito ng estatwa bilang pagbigay parangal sa kaniya.