Kinabukasan, si Jeanne ay nakipagkita kay Mathilde upang ibalik ang pinaghirapang kuwintas ng mag-asawa. Siya ay isang maunawain at napakabait na kaibigan dahil nangibabaw pa rin ang kaniyang kabutihang loob at umiiral sa kaniya ang konsensya. Bilang kaibigan, naaawa siya sa kalagayan ng kaniyang kaibigan. Kitang kita niya sa kaniyang mga mata ang hirap na dinanas nilang mag-asawa upang mabayaran nawa ang kuwintas na inakala nilang tunay.
Kamusta ka Mathilde? Napagdesisyonan ko lamang na ibalik ang kuwintas na inyong pinaghirapang mag-asawa sa kadahilanang ito ay nagkakahalaga ng napakalaki kaysa sa nawalang kuwintas.
Talaga ba Jeanne? Maraming salamat po. Talagang pinaghirapan naming mag-asawa ang kuwintas na yan upang maibalik lamang sa iyo.
Lubos ang pagpapasalamat ni Mathilde dahil sa ginawang kabutihan ni Jeanne. Siya ay nangangako na siya ay magiging isang mabuting asawa na hindi makasarili at magiging kuntento na sa kung ano ang mayroon siya.
Napakamaunawain talaga ng aking kaibigan. Mula sa araw na ito, ipinapangako ko na ako'y makukuntento na sa mga bagay na mayroon ako at hindi na magiging makasarili.
Agad-agad siyang nagbalita sa kaniyang asawa tungkol sa magandang balitang dala-dala niya. Si Mathilde ay nakapagdesisyon na hindi na maigiging makasarili bagkus magiging matulungin at magpapakatotoo sa sarili. Bukod sa magandang balitang dala niya, masaya ang kaniyang asawa sa mga pagbabagong nais ng kaniyang asawa.
May magandang balita ako sayo! binigay na lamang sakin ni Jeanne ang kuwintas na binili natin bilang pamalit sa nawala ko.
Napagdesisyonan ko na atin itong gagamitin upang makabangon muli at pagkatapos ay tayo ay tutulong sa mga mahihirap at magpapakatotoo na rin ako sa aking sarili.
Talaga?! mabuti na lamang kung ganoon ngunit ano ang plano mo rito?