Traži
  • Traži
  • Moje Ploče s Pričama

Wakas ng "Ang Kuwintas"

Napravite Storyboard
Kopirajte ovaj Storyboard
Wakas ng "Ang Kuwintas"
Storyboard That

Izradite vlastiti Storyboard

Isprobajte besplatno!

Izradite vlastiti Storyboard

Isprobajte besplatno!

Storyboard Tekst

  • Isang Araw ng Linggo, nagkita ang dalawang magkaibigan sa Parke at dito ay hindi nakilala ni Madam Forestier si Mathilde. Nagpakilalang muli si Mathilde at nagulat si Madam Forestier sa kanyang mga sinabi. Dito ay ipinagtapat ni Madam Forestier na ang kanyang ipinahiram na Kuwintas ay peke lamang at hindi totoo. Napaluhod si Mathilde sa kanyang nalaman. 
  • Dahil sa iyo ay lubos akong naghirap! Nagtrabaho ako nang lubusan upang mapalitan lamang ang kuwintas na naiwala ko na akala ko ay tunay!
  • O, kahabag -habag kong Mathilde! Ang ipinahiram ko sa iyong Kuwintas ay imitasyon lamang, puwit lamang ng baso.
  • Umuwi nang umiiyak si Mathilde dahil sa kanyang nalaman. Nakita ito ng kanyang Asawa at agad s'yang nilapitan upang tanungin kung ano ang nangyari sa kanya. Dito ay ikinwento ni Mathilde sa kanyang Asawa ang ipinagtapat ni Madam Forestier. Nagulat si Ginoong Loisel sa kanyang nalaman.
  • Kanina ay nagkita kami ni Madam Forestier sa Parke at dito ay ipinagtapat n'ya sa akin na ang ating naiwalang Kuwintas ay isang huwad at hindi totoo.
  • Papaanong nangyari iyon? Sampung taon tayong naghirap upang mabayaran ang Kuwintas na iyon. Ngunit ito ay nangyari na hindi na natin maibabalik pa. Tanging pupuwede nating gawin ay tanggapin at magpatuloy na lamang sa buhay.
  • Kinagabihan, pumunta si Madam Forestier sa kanilang bahay upang humingi ng tawad sa kanyang nagawa. Inilathala ni Madam Forestier na sila ay kanyang tutulungan at ibabalik ang kuwintas na kanilang pinaghirapan sa loob ng Sampung Taon. PInatawad ng Mag-asawang Loisel si Madam Forestier at tumugon na ang nangyari sa nakaraan ay hindi na maibabalik pa at mananatiling ala ala na lamang. Pinatawad ng Mag Asawang Loisel si Madam Forestier. Sa pagtanggap ng pangyayari, sila ay nagpatuloy sa buhay at namuhay nang marangya.
  • Ako ay lubos na humihingi ng tawad dahil hindi ko agad ipinaalam sa inyo ang patungkol sa kuwintas. Nais kong ibalik ang Kuwintas na inyong pinaghirapan ng Sampung Taon at hayaan sana ninyo akong makatulong upang masuklian ang paghihirap na naranasan ninyo.
  • Tinatanggap namin ng buong puso ang iyong paghingi ng tawad. Wala na tayong magagawa dahil ito ay nangyari sa nakaraan. Ang mabuti na pwede nating gawin ay magpatawad at tanggapin ang nangyari na. Kami ay masaya dahil ngayon ay kami ay nalinawan at nakatanggap ng paumanhin. Sana ay hindi na ito maulit at maging leksyon ito sa ating buhay.
Izrađeno više od 30 milijuna scenarija