Dumating si Gregorio ang tiyuhin ni Jose na siyang magiging pangatlong pribadong guro niya. Ang kaniyang ituturo kay Jose ay ang kahalagahan ng edukasyon
Nasa itaas at hinihintay ka na
Nariyan ka na pala Gregorio, kamusta ka na?
Mabuti naman ako, kayo kamusta na? Nasaan na nga pala si Jose?
Jose, narito na ang iyong tiyuhin para turuan ka
Kamusta ka na Jose? Ang tagal nating hindi nagkita
Mabuti naman po ako tiyo Gregorio. Sabik na po ako sa ituturo niyo saakin ngayong araw
Ang edukasyon Jose ay napakahalaga sa isang tao. Ito ang susi upang maibsan ang pagiging ignorante natin
Hindi masamang maging interesado sa maraming bagay, kung satingin mo ay ito ang nakabubuti para saiyong sarili
At tandaan mo Jose na ang edukasyon ay ang kayamanang hinding hindi mananakaw ng kahit sino man.
Opo tiyo, tatandaan ko po
Huwag mo lang tatandaan Jose ang mga sinabi ko kundi isabuhay mo ang mga ito kung maaari
Mabuti naman kung ganon, sige na at mauuna na ako. Maraming salamat din Jose at mag-iingat ka
Opo tiyo Gregorio, isasabuhay ko po. Maraming salamat po sa mga kaalamang itinuro niyo po saakin ngayong araw