"Patuloy ang pag laganap ng COVID-19 virus kaya naman ang buong bansa ay sasailalim sa Enhanced Community Quarantine upang maiwasan ang patuloy na pag lobo ng dami ng mga nagpopositibo sa naturang sakit"
"Ay nako apo, wala akong sapat na salapi upang maibigay ang iyong mga pangangailangan sapagkat alam mo namang nasa kalagitnaan tayo ng krisis at sapat lamang sa ating pang araw-araw ang benepisyong aking natatanggap. Hayaan mo't gagawa ako ng paraan."
Makalipas ang ilang buwan...
"Lola, magbabalik na po muli ang aming klase sa kabila ng pandemyang ating kinakaharap ngunit sabi ng aking guro ay kinakailangan raw po ng gadyet at internet para sa aming home-based  learning."
Bata pa lamang si Ana noong siya ay maulila sa kanyang mga magulang. Ang kanyang Ina ay namatay matapos siyang isilang samantalang ang kanyang ama naman ay namatay matapos sumalpok ang sinasakyan nitong bus kaya naman ang lola Krising na lamang niya ang mag isang nagtataguyod sa kanya.
"Magandang umaga po, naghahanap po kasi ako ng trabaho, maaari po bang mamasukan bilang labandera? kailangan na kailangan ko lang talaga ng trabaho para sa aking apo."
"Maaari ka na pong makapag umpisa bukas."
Isang araw, habang payapang nakikinig si lola Krising sa radyo ay bigla na lamang may ibinalitang magkakaroon raw ng ECQ dahil sa kumakalat na COVID-19 virus. Ganon na lamang ang kanyang pangangamba dahil sa iniisip nito kung saan siya kukuha ng pangtustos nila ni Ana sa pang araw-araw gayong umaasa lamang sila sa pagtitinda ng mga kakanin at sa benepisyong kanyang natatanggap mula sa Senior Citizen Program ng gobyerno.
"Apo, ito na ang laptop na magagamit mo para sa iyong pag-aaral, namasukan ang lola bilang isang labandera upang mabili ang iyong pangangailangan."
"Maraming maraming salamat po lola, tiyak na gagalingan ko po sa klase upang makabawi sa iyo!"
Makalipas ang ilang buwan ay nagbalik na ulit ang klase nila Ana ngunit kinakailangaan nito ng gadyet at internet upang makalahok sa klase. Dahil nga't salat sila sa buhay ay hindi kayang maibigay ng agaran ni lola Krising ang pangangailangan ng kanyang apo kaya naman nag-isip siya ng paraan. 
Namasukan si lola Krising bilang isang labandera. Nagdaan ang mga araw at nadagdagan ang mga nagpapalaba sa kanya dahil na rin sa kanyang magandang serbisyo. Lumipas ang ilang linggo at nakaipon na rin si lola Krising ng sapat na pera upang makabili ng gadyet at para sa internet na kinakailangan ng kanyang apo.
Kinabukasan ay nakabili na si lola Krising ng laptop para kay Ana. Masayang masaya ang apo sa natanggap nito at dahil na rin sa makakalahok na sya sa pag-aaral. Dahil sa masayang reaksyon ni Ana ay napawi ang pagod ni lola Krising at natuwa din ito.
Lumipas ang ilang araw at nagsimula na din ang klase nila Ana. Masaya at aktibo itong nakikilahok sa talakayan habang si lola Krising naman ay masayang humahanga sa kanyang apo dahil alam nitong hindi mapupunta sa wala ang kanyang pinagpaguran.