Prinsipe Sulayman,ako'y sumasamo na iyong iligtas ang maraming taong nangangailangan ng tulong mo't habag.
O mahal na haring Indarapatra na aking kapatid,ngayon di'y lilipad at maghihiganti sa mga halimaw ang talim ng tabak.
Ang halamang ito'y siyang magsasabi ng iyong nasapit.Kapag namatay ang halamang ito,mangangahulugan din ito na ika'y namatay.
Pumunta si Sulayman sa kabilalan kung nasaan nananahan si Kurita at kanyang natunghan ang maraming nayong walang kahit isang tumatahan.
Ika'y magbabayad,mabangis na hayop!
Walang anu ano'y nayanig ang lupa,kaya pala ay dumating ang halimaw na si Kurita,ang halimaw na maraming paa at ganid na hayop pagka't sa pagkain kahit limang tao'y kanyang nauubos.
Matagal at madugo ang paglalaban ni Sulayman at ni Kurita.Sila ay nagbaka hanggang sa malagutan ng hininga ang halimaw.
Ito na ang iyong katapusan.
Tumatag ang puso ni Sulayman sa kanyang tagumpay at nagpatuloy naman siya sa Bundok ng Matutum kung saan nakatira ang halimaw na may mukhang tao o mas kilala bilang si Tarabusaw.