Traži
  • Traži
  • Moje Ploče s Pričama

EPIKO

Napravite Storyboard
Kopirajte ovaj Storyboard
EPIKO
Storyboard That

Izradite vlastiti Storyboard

Isprobajte besplatno!

Izradite vlastiti Storyboard

Isprobajte besplatno!

Storyboard Tekst

  • noon mga dating panahon, may makikita na isang lalaki, siya'y makasarili at siya'y laging nagmamayabang sa kaniyang itinataglay na lakas. Kaya naman kapag nakikita ng mga tao ang lalaki na ito'y napupuno sila ng takot dahil minsan ay nagkakaroon rin ng mga araw na maikli ang pasensiya ng lalaki na ito at nasasaktan sila.
  • at sa taon taon lagi siyang  dumadayo sa iba't ibang lugar para makipag laban at maipatunay ang kaniyang kalakasan sa mundo at sa ibang tao. Sa paglakbay ng lalaki ay makikita ang pag-aalala na nakasulat sa mukha ng kaniyang ina " Mag-ingat ka lagi aking anak.." sabi ng ina bago pa maglakad palayo ang kaniyang anak sakanila upang makapagsimula na sa paglalakbay.
  • at sa mahabang paglalakad mula sa kanilang palasyo hanggang sa gubat na ito. Nagsimula na makaramdam ng pagod ang lalaki at napunta ang kaniyang isip sa paghahanap ng puwede mapagpahingahan na lugar. May lumapit sakaniyang malaki na kuneho at saka ito biglang nagsalita "Mukhang naghahanap ka ng mauupuan at lugar kung saan puwede ka magpahinga, maaring makatulong ako sa iyo.. sundan mo lamang ako!"
  • "Andito na tayo! ngayon ay kumatok ka at makikita mo ang bagay na nagbantay sa akin, siguradong mabibigay niya ang ninanais mo" sabi ng kuneho sa lalaki. alam ng kuneho ang mga nagagawa ng lalaki na ito at sinandiya niya na mapunta rito ang lalaki para maipakilala sa kaniyang amo at maipatunay nga kung nagtataglay ang lalaki ng kakaibang lakas.
  • sa pag pasok ng lalaki sa loob ng bahay ay bumungad sakaniya ang isang babae, matangkad siya at maputi, para siyang diwata. "Ikaw pala ang pinaguusapan ng mga tao, ang lalaki na may kakaibang lakas, totoo ba ito?" tanong ng babae sakaniya. Tumango ang lalaki at ngumiti "Aba totoo ang kanilang mga sinasabi! ako'y kamangha mangha at labas sa mundong ito ang kalakasan ko!!" sagot ng lalaki.
  • "gusto mo bang mas lumakas pa? kung gusto mo puwede ka makipaglaro sa aking alaga, at kapag natalo mo ito'y bibigyan kita ng magandang premyo, sa aking mabibigay ay sigurado na ika'y magiging mas malakas pa!" sabi ng babae sakaniya. Ang makasariling lalaki ay hindi naman na nagisip pa at tumango sa sinabi ng babae, lumabas sila at makikita rito ang isang kakaibang anyo. malaki siya at matatalas ang kaniyang mga kuko. agad na umatake ang lalake ngunit malakas ang malaking halimaw na ito at binasag ang kaniyang hawak na espada. tumayo ang lalaki at tsaka nilapitan muli ang halimaw para sapakin ito, ngunit hindi ito tumalab at pinatalsik lang ulit siya ng halimaw " mukhang mayabang ka lamang, hindi ka naman ganon kalakas" tawa ng babae
Izrađeno više od 30 milijuna scenarija