Traži
  • Traži
  • Moje Ploče s Pričama

pele ko

Napravite Storyboard
Kopirajte ovaj Storyboard
pele ko
Storyboard That

Izradite vlastiti Storyboard

Isprobajte besplatno!

Izradite vlastiti Storyboard

Isprobajte besplatno!

Storyboard Tekst

  • Tahimik na namumuhay sa masagana at payapa na lupain nang Tahiti ang mag asawang si Haumea ang diyosa nang makalumang kalupaan at Kane Milohai ang diyos nang kalangitan kasama ang kanilang anim na anak na babae at pitong anak na lalake. Subalit habang lumalaki ang kanilang mga anak ay unti-unting nawawala ang kapayapaan at katahimikan sa kanilang tahanan dahil sa matinding alitang namamagitan sa mga anak nilang sina Pele, ang diyosa ng apoy at si Namaka, ang diyosa ng tubig. Nagugat ang matinding awayan ng magkapatid sa paniniwala ni Namaka na inagaw ng kapatid na si Pele ang kaniyang kabiyak. Noong una’y pilit inaayos ng magulang ang alitang ito. Katunayan, ninais nilang maging isa ring diyosa ng tubig si Pele tulad ng kapatid na si Namaka.
  • Sa pamamagitan nang paglalaro nang apoy ni pele ay , labis siyang naakit at wala nang sinumang magkapaglalayo sa kaniya at sa apoy. “Napakaganda ng apoy, Ina. Bakit ba ninyo ako pilit inilalayo rito?” ang madalas niyang sabihin sa ina kapag nahuhuli siyang nakikipaglaro sa apoy. “Mapanganib iyan sa iyo at sa iyong mga kapatid,” ang paalala naman ng kanilang ina subalit hindi nito nabago ang pagkaakit ni Pele sa apoy. Hindi nga nagkamali si diyosang Haumea sa pagpapaalala sa anak. Isang araw, sa muling pakikipaglaro ni Pele sa apoy ay aksidenteng nasunog ang kanilang tirahan, ang buong isla ng Tahiti. Galit na galit si Namaka nang malaman ang ginawa ni Pele at nagbantang paahunin ang tubig sa buong isla upang lumubog ito sa baha. Sa takot ng mag-asawang Haumea at Kane Milohai para sa kaligtasan nilang lahat ay agad-agad nilang isinakay ang kanilang buong pamilya sa isang bangka. Si Pele ang naatasang gumaod at magdala sa kanila sa isang isla upang makatakas sa poot ni Namaka. “Ahhhhhh, hindi kayo makakalayo! Susundan kita, Pele, kahit saan ka magpunta!” ang galit nag alit na pagbabanta ni Namaka. Subalit naging napakabilis ng paggaod ni Pele kaya’t hindi na sila inabutan ng nagngingitngit na kapatid.
  • Nakahanap din sila ng isang ligtas na lugar sa pamilya niya na ang Mauna Loa, ang pinakamataas na bundok. Subalit hindi basta sumuko si Namaka, pinilit niyang pinaabot ang mga alon na pinakawalan niya sa tuktok ng bundok pero hindi rin nagpatalo si Pele. Sa huli ay nanalo si Namaka at namatay si Pele pero ang kanyang espiritu ay nanatili at nagagawa nitong bagunhin ang kanyang anyo sa anumang itsurang nais niya.
  • HINDI AKO MAGPAPATALO!!
  • SUMUKO KA NA!!
  • Si Pele ay pumasyal sa paligid ng bulkan at nakita niya ang makisig na binata na si Ohi'a na sinubukan niyang akitin pero si Pele ay buong galang na tinanggihan niya dahil may kabiyak na siya. Nakita ni Pele si Lehua at ang pagyayakap nila at si Pele ay nagselos. Sa tinding galit ni Pele ay natamaan niya ng apoy si Ohi'a at siya'y naging isang sunog na puno. Nakita ito ni Lehua at walang tigil siya lumuha sa puno at kay Pele. Lumambot ang puso ni Pele at ginampanan niya ang kahilingan ni Lehua na gawin siyang bulaklak para magsama sila ng kabiyak niya.
  • Tutuparin ko ang iyong kahilingan na ika'y maging halaman. Pasensiya na.
  • Buhayin mo ang asawa ko o gawin mo akong isang halaman para makasama ko siya parang awa mo na Pele!
  • Si Pele ay inutusan si Hi'iaka na sunduin ang kanyang kasintahang si Lohi'au at pumayag si Hi'iaka sa isang kondisyon na alagaan ni Pele ang kanyang hardin. Napakarami ang halimaw at mga panganib ang daraanan ni Hi'iaka at napatagal ang kanyang paglakbay. Apatnapung araw na ang lumipas at hindi mapakali si Pele sa tagal ni Hi'iaka. Kung ano-ano na ang naisip niya at inakala niya na baka inakit ni Hi'iaka si Lohi'au. Sa tinding selos ay sumabog ang lava sa bulkan at nasunog niya ang hardin. Si Lohi'au ay namatay dahil sa dumaloy na lava mula sa sumabog na bulkan.
  • NASAAN NA KAYO HI'IAKA, LOHI'AU??!!
  • Napagtanto ni Hi'iaka na mahal na mahal pala niya si Lohi'au nung namatay siya. Humingi ng tulong at nagpakiusap si Hi'iaka sa kanyang kuya na si Kane-milo na kunin ang kaluluwa ni Lohi'au sa kailaliman ng lupa at ibinalik ang kaluluwa niya sa kanyang katawang-lupa. Sa huli ay pinagsisihan ni Pele ang kanyang nagawa sa kanyang pinakamamahal niyang kapatid at hinayaan sila Hi'iaka at Lohi'au na mamuhay nang tahimik at payapa. Bilang pagpapakita ng pagsisisi at pagmamahal ni Pele sa kanyang kapatid, ang masaganang pagsibol at pagpatuloy ng kung anumang itanim nila Hi'iaka at Lohi'au sa kanilang lupain ay ang kagagawan ni Pele.
Izrađeno više od 30 milijuna scenarija