खोज
  • खोज
  • माय स्टोरीबोर्ड्स

Resurreccion, Maria Angelica D..

एक स्टोरीबोर्ड बनाएँ
इस स्टोरीबोर्ड को कॉपी करें
Resurreccion, Maria Angelica D..
Storyboard That

अपना स्टोरीबोर्ड बनाएं

इसे मुफ़्त में आज़माएं!

अपना स्टोरीबोर्ड बनाएं

इसे मुफ़्त में आज़माएं!

स्टोरीबोर्ड पाठ

  • Hola! Ang pangalan ko ay Maria Angelica Resurreccion. Pero ikagagalak ko kung tatawagin ninyo ako sa aking palayaw na Ria.
  • Ako ay labimpitong taong gulang na "freshman" galing sa programang International Development Studies.
  • Napakalapit lamang ng pinasukan ko noon kaya ako ay may taglay na kasabikan sa pagpasok sa bago kong paaralan para makaranas naman ako bumiyahe.
  • Nag-aral at namalagi ako ng labindalawang taon sa aming sintang paaralang Sacred Heart School of Cavite - Recoletos de Alfonso.
  • Dahil sa mga libreng oras ay marami rin akong pagkakataon upang manuod ng mga pelikula, palabas, magbasa ng mga babasahin, at gumala sa media na sya namang bumuhay sa aking emosyon; masaya na ako sa ganoon lamang.
  • Simula ng pagtransisyon ng ating pag-aaral patungo sa "online learning" dulot ng Covid-19 Pandemic ay talaga namang mas ginugugol ko ang aking oras sa loob ng aking kwarto madalas kasama ang mga kaibigang pusa at aso.
  • Ako ay isang Kristiyano at sa aming sambahan ay nagkaroon din ako ng isa pang pamilyang binubuo ng aking mga kaibigang kapatiran ang turingan.
  • Ngayo'y positibo akong nangangarap na darating din ang araw na kaming magkaklase ay magkikita-kita at magiging tunay na magkakaramay pati magkakaibigan. At, ang aming mga pangarap na magsipagtapos ay matutupad nang magkakasama, pati ang aming mga mithiing nais ipursigi ay sana nga'y aming mapatunguhan.
  • Kapag sang-ayon na sa akin ang panahon at ang oras, nais kong libutin ang iba't ibang lugar, bansa, at sa kung saan-saang maganda, tahimik at payapa kasama ang aking mga mahal sa buhay (ngunit gusto ko rin maranasan maglibot na malaya at mag-isa).
30 मिलियन से अधिक स्टोरीबोर्ड बनाए गए