Pagdating ni Ibarra sa tinutuluyang otel, siya ay naupo sa silya sa tabi ng bintana at tumingin sa kalawakan. Natanaw niya sa kabilang pampang ng ilog ang isang bahay na nagliliwanag. May pagdiriwang na nagaganap sa nasabing bahay.
Ano kaya ang nangyayari sa ibaba?
फिसलना: 3
Sa masining na guniguni ng binata, kaniyang nakita ang isang napakagandang dalaga na may mahabang buhok, nakabibighaning mga mata, at malaperlas na mga ngipin. Ang mestisahing Pilipinang ito ay kahawig na kahawig ni Maria Clara.
Ang ganda nya. Para akong nakakita ng anghel na bumaba sa langit
फिसलना: 4
Sa di-kalayuang lugar, nakita niya ang kaniyang sarili sa isang masayang pagtitipon, tumutungga ng alak sa kopita ng tagumpay sa gitna ng halakhakan at maugong na palakpakan. Dumilim na ang malaking bahay. Tahimik na ang kapaligiran, Nahimlay si Ibarra na balisa ang kaisipan at tila pagod na pagod pagkatapos ng isang mahabang paglalakbay.
फिसलना: 5
Kasabay nito ay lumitaw sa kaniyang pangitain ang isang matandang lalaking maysakit at nakakulong sa bilangguan. Ito ay walang iba kundi ang kaniyang ama na sa wari ay tinatawag ang kaniyang pangalan, luhaan ang mga mata, at nagmamakaawa.
फिसलना: 6
Ang kabanata na ito ay ang pinaka unang kita ni Maria Clara at ni Ibarra. Nabighani si Ibarra sa ganda nito at hindi maiwaglit ang tingin sa dalaga. So Kasabay nito ay lumitaw sa kanyang isipan ang ama nyang may sakit at nasa bilangguan at tinatatawag ang kanyang pangalan, luhaan ang mata nito ay nagmamakaawa. Ang natutunan ko sa kabanata na ito ay sa kabila ng mga pinagdaraanan sa buhay, laging mayroong isang bituin na sumisimbolo sa bagong pag-asa. Kahit may pagsubok na hinaharap, mayroon namang mga rason para mahanap ang kagandahan ng buhay.