Mia, alam mo ba ang tawag sa unang wika? At ang pagkakaiba ng bilingguwalismo at multilingguwalismo?
Ano ba yan, Roy! Ayan ka nanaman tanong nang tanong pero sasagutin ko ang una. Sa pagkakaalam ko tawag sa unang wika ay Mother Tongue at ito ang unang wika o salita na ating natutuhan mula pagkabata.
Eh ikaw, Alexa? Kaya mo bang sagutin ang ibang tanong?
Mia: Oo nga, maaaring alam mo dahil lagi ka namang nakikinig sa klase.Alexa: Ay hala, nakalimutan ko na kase eh. Ayon oh may studyante gaya natin na naglalakad banda ron!Mia: Oh sige, subukan nating magtanong at baka alam niya.
Hi, hello? Maaari ba kaming magtanong?
Alam mo ba ang pagkakaiba ng bilingguwalismo at multilingguwalismo?
Ayon, nakuha mo! ito kasing dalawa kong kaibigan hindi masagot ang aking tanong e. Oh siya, ako na ang magpapasalamat at pasensya na sa abala.
Ang bilingguwalismo ay ang pagkakaroon ng sapat na karunungan at kahusayan sa dalawang wika. At ang multilingguwalismo naman ay ang pagkatuto o may karunungan sa higit na dalawang wika. Ayon ang pagkakaiba ng dalawa at hindi tayo matatawag na bilingguwalismo o multilingguwalismo kung wala tayong sapat na kaalaman sa dalawa hanggang apat na wika.