खोज
  • खोज
  • माय स्टोरीबोर्ड्स

Buhangin

एक स्टोरीबोर्ड बनाएँ
इस स्टोरीबोर्ड को कॉपी करें
Buhangin
Storyboard That

अपना स्टोरीबोर्ड बनाएं

इसे मुफ़्त में आज़माएं!

अपना स्टोरीबोर्ड बनाएं

इसे मुफ़्त में आज़माएं!

स्टोरीबोर्ड पाठ

  • Nilinlangkami ng mangkukulam na mga Tagalog. Kapalit ng tatlong baldeng hipon, tatlong manok at isangbala, napilitang isuko ng aming pinuno ang lupain na aming minana sa amingmga ninuno. Isa sa mga ama ko ang tumutol. Kinuha na nila ang ating m ga lupain.” Wika ng aking ina sa aming lenggwahe, limang dekada na ang nakakaraan. Nagkasakit din siya at sumunod sa aking ama. Ako na lamang ang mag-isa.
  • Walong taong gulang pa lamang ako kaya’t ‘di ko nauunawaang parte kami ng negosyo sa resort na iyon at hindi mga nilalang na may puso’t isipan. Kami ay nagtitinda ng mga hinabing basket, pamaymay, tsinelas, mga palamuti sa bahay, at mga souvenir
  • Nakatulala lamang ako sa kanya no’ng una ko siyang makilala. Kano,may kano, ayan na …naririnig ko ang aking mga kasamahan. “You have a pair of wonderful eyes, so dark and pensive they could have belonged to the sockets of a philosopher.” At ngumiti siya. Sumama ako sa kanya sa Amerika. Isa siyang cultural psychologist sa Harvard.
  • Si Ms. Winters ay isang naiibang katauhan. Inalagaan niya ako at pinag-aral;pareho kaming nag-iisa. Malaking porsyento ng aking maka-rebeldeng pagtingin sa mga ortodoksiya ay ibinahagi niyasa akin. Tinuruan niya akong magkaroon ng sariling kultura.
  • Isang bote lamang ng lupa ang dala-dala ko ngunit ngayon ay nakapagtapos ng pilosopiya sa unibersidad kung saan siya naglilingkod. May mga pagkakataon na kami’y nagkwekwentuhan na parang “mag-ina” siya daw ay ‘di ligawinng mga lalake noong Junior High. Ang mga gusto nito ay mga “cheerleader type”. “They stuffcrumpled tissue paper inside their bras to make them seemingly bigger.” At kami’y tumawa. Umalog ang bote na nasa aking bulsa. Bukas, bibisitakami sa Pilipinas sapagkat ako’y inanyayahan upang pangaralan.
  • Ang mga pulitiko, media, mga prominenteng tao, at mga kapwa kong Ata-manobo sa akingkaharapan ay waring walang buhay ng mga oras na iyon. Tahimik. Nagtataka. Ano ang nagyayari?Ano ang kanyang sinasabi? Ha? Ako lamang pala ang nakakabatid. Kinabukasan, bago pumunta sa paliparan ay nagpaalam muna ako kay Ms.Winters na pupunta ngdalampasigan. Isinaboy ko sa tubig ang lupa mula sa bote na parang abo ng isang mahal sa buhay.
30 मिलियन से अधिक स्टोरीबोर्ड बनाए गए